Paano ko babaguhin ang ayos ng mga bahagi ng pahina ng tao sa Family Tree?

Madali mong mababago angayos ng mga bahaging nasa markang Mga Detalye ng isang pahina ng tao sa pamamagitan ng pag-klik sa Mga Kaayusan ng Aking Plano sa panig ng Mga Kagamitan na matatagpuan sa kanang bahagi ng pahina.

Paalaala: Ang mga pagbabagong ito ay lilitaw lamang sa iyong tanawin ng pahina ng tao. Halimbawa, kung ililipat mo ang Maikling Kasaysayan ng Buhay sa tuktok ng pahina, makikita ito ng ibang mga tagagamit sa ibaba maliban kung binago rin nila ang kanilang tanawin.

Mga hakbang

  1. Sa tuktok na menu, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay pindutin ang Tao.
    • Paalaala: Hindi mahalaga kung aling pahina ng tao ang gagawin mo sa mga pagbabagong ito; mananatili ang mga ito na pareho para sa bawat isang pahina ng tao na tinitingnan mo.
  2. Pindutin ang Mga Detalye na marka.
  3. Sa kanang bahagi ng pahina, hanapin ang panig ng Mga Kagamitan
  4. Pindutin ang Aking Mga Kaayusan ng Plano.
  5. Sa ilalim ng Ayos ng Bahagi, hilahin at ibagsak ang mga bahagi sa gusto mong ayos..
  6. Pagkatapos mong ayusin ang ayos ng bahagi na gustong-gusto mo, pindutin ang X. Ang pahina ay magpapakita ngayon sa tanawing iyan.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko titingnan ang pahina ng tao sa Family Tree?
Paano ko babaguhin ang mahahalagang kabatiran sa Family Tree?
Ano ang isinama sa pahina ng Tao sa Family Tree?
Paano ako magdaragdag ng mga mahalaga at ibang kabatiran sa isang tao sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?