Gawin ang sarili mong family tree nang libre
Magsimula sa aming automated family tree builder. Pagmasdan habang lumalago ang iyong tree, at tuklasin ang mga pamana ng iyong pamilya.


Pinadali ang pagbuo ng Family Tree
Ang automated tree builder ang gagabay sa iyo. Magsisimula ka sa pagdaragdag sa iyong mga magulang at mga lolo at lola. Huwag mag-alala; lahat ng impormasyon tungkol sa mga nabubuhay na tao ay ginawang pribado.
Ang pinakamalaking shared Family Tree
Habang idinaragdag mo ang alam mo, ang system ay magsisimulang maghanap para sa iyong mga ninuno sa Pandaigdigang Family Tree. Kapag may natagpuang katugmang impormasyon, lahat ng bagong impormasyong ito ay maaaring idagdag sa iyong mga sanga.


Awtomatikong naghahanap sa bilyun-bilyong talaan
Ang FamilySearch ay may bilyun-bilyong dokumento ng kasaysayan tulad ng mga talaan ng kapanganakan, obituwaryo, at mga census record. Awtomatikong hinahanap ng Family Tree ang iyong ninuno sa mga talaang ito at magbibigay ito sa iyo ng mga hint na tutulong sa iyo na makatuklas ng mga bagong impormasyon.
Lahat ng nasa FamilySearch ay libre
Mag-sign up para ma-access ang Family Tree, ang bilyun-bilyong tala ng kasaysayan, at marami pang iba.