Bumuo ng
Gusto mo bang malaman ang tungkol sa iyong pamana? Simulan na agad ang paghahanap sa iyong mga ninuno NANG LIBRE sa pandaigdigang komunidad ng family tree. Kumonekta ngayon—maaaring may detalye na kami tungkol sa iyong pamilya.

Paano ito gumagana
Hakbang 1:
Mag-sign in at idagdag ang nalalaman mo.
Ang automated tree builder ang gagabay sa iyo. Magsisimula ka sa pagdaragdag sa iyong mga magulang at mga lolo at lola. Huwag mag-alala—lahat ng impormasyon tungkol sa mga nabubuhay na tao ay ginawang pribado.
Hakbang 2:
Hahanapin namin ang mga koneksyon ng iyong pamilya.
Habang nagdaragdag ka ng impormasyon, ang system ay magsisimulang maghanap para sa iyong mga kapamilya sa community family tree at sa mga tala ng kasaysayan, tulad ng sertipiko ng kapanganakan at kamatayan.
Hakbang 3:
Masdan ang paglaki ng iyong family tree\!
Ang community family tree ay tutulong na makatuklas ng mga impormasyon tungkol sa pamilya habang ito ay nagdaragdag ng mga sanga sa iyong tree. Habang lumalaki ang tree o puno, marami ka pang malalaman tungkol sa inyong pamilya at makadarama ng mas malapit na kaugnayan sa nakaraan.
Simulan ang Iyong Tree
Bakit dapat gamitin ang FamilySearch shared tree?
Gamitin ang kapangyarihan ng isang pandaigdigan at crowd-sourced pedigree para madiskubre ang kuwento ng inyong pamilya.
Ang Pinakamalaking Online Family Tree sa Mundo
Ang mga nagsisimula ng Family Tree sa FamilySearch ay hindi lamang binubuo ang kuwento ng kanilang pamilya—nag-aambag sila sa paglikha ng isang pandaigdigan, at nagkakaisang family tree para sa sangkatauhan.
Naka-Share at Madaling Ma-Access
Ang shared tree ay may isang public profile ng bawat taong pumanaw na, na lumilikha ng isang lugar para sa lahat ng shared information sa halip na paghiwa-hiwalayin ito sa maraming tree. Nakadaragdag din ito sa privacy.
Buuin nang Madali ang Iyong Tree
Kapag nagdagdag ka ng yumaong kamag-anak sa tree, susubukan ng FamilySearch na ikonekta ka sa anumang impormasyon nito tungkol sa taong iyon na nasa database nito. Kung may makikita itong katugma, maaaring i-auto populate ng FamilySearch ang impormasyon, at makatitipid ka ng maraming oras\!
Pakikipagtulungan sa Iba
Tinutulungan ng FamilySearch Family Tree ang lahat ng inapo na magbahagi ng impormasyon na maaaring hindi alam ng iba at magdagdag ng mga source para mapagtibay ang tamang impormasyon. Ang kabuuang resulta ng isang shared tree na maraming sources ay maaaring mas kumpleto at tumpak kaysa sa indibiduwal na mga tree.
Pakikipag-ugnayan sa Iba pang mga Miyembro ng Pamilya
Ang pagtutulungan sa isang global tree ay tumutulong din sa mga inapo na kumonekta sa isa’t isa. Maaari kang makakita ng isang kamag-anak na bumisita sa kaparehong mga puntod, nagtanong din tungkol dito—at natutuhan pa nga na mahalin o hangaan—ang mga ninuno ring iyon.
Subukan ito ngayon
Magsimula sa nalalaman mo. Tutulungan ka naming punan ang mga patlang.
Ano ang family tree?
Kahulugan:
Ang family tree ay visual na representasyon ng kamag-anak, batay sa mga pangalan, petsa, lugar, at mga kaugnayan. Ipinapakita nito kung paanong konektado ang mga indibiduwal sa iba’t ibang mga henerasyon.
Basahin ang Iba PaMga bagay na madalas itanong
FamilySearch Family Tree
Libre ang paggamit nito at madaling magsimula. Marami kang matutuklasan.