Sa Family Tree, ang kabatirang diborsiyo ay ipinapakita sa kaugnayan ng mag-asawa kasama ang mga kaganapan sa kasal. Nasa ibaba ang mga pangunahing anyo upang maunawaan:
- Ipakikita lamang ang mga diborsyo sa pahina ng Tao kung ito ang tanging kaganapan sa pag-aasawa.
- Kung may petsa ng kasal at petsa ng diborsyo para sa mag-asawa, ang petsa ng kasal lang ang makikita sa pahina ng tao.
- Kung umiiral ang isang kasal, anuman ang pag-kasunod-sunod ng lagay nito, lilitaw ito sa pahina ng tao. Upang tingnan o ayusin ang mga detalye ng diborsyo, pindutin ang markang ayusin
.
Ipinapakita ng Family Tree ang mga kaganapan sa kasal sa bilang na pagkakasunod. Kung wala sa pagkakasunod-sunod ang mga kaganapan, idagdag o iwasto ang mga petsa kung kinailangan.
Mga hakbang (website)
- Lumagda sa FamilySearch.org.
- Sa tuktok ng menu, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos pindutin ang Puno.
- Kung kinailangan, lumipat sa iyong pansariling puno o sa puno ng pangkat ng mag-anak kung saan matatagpuan ang tala ng mag-asawa.
- Ipakita ang pahina ng tao ng isang tao sa mag-asawa.
- Kung hindi nagpapakita ang Mga Detalye, pindutin ang Mga Detalye.
- Mag-balumbon sa Mga Kasapi ng Mag-anak.
- Hanapin ang mag-asawang diborsiyo. Kung ito ay naitala sa kaparaanan, kung ganun sa ilalim ng kanilang mga pangalan, ipinapakita nito ang salitang “Diborsiyo.” Upang maayos ang kabatiran sa kasal o diborsiyo, pindutin ang markang ayusin
kasunod ng salitang “Diborsiyo.”
Mga Hakbang (mobile app)
- Buksan ang Family Tree mobile app.
- Kung kinailangan, lumipat sa iyong pansariling puno o sa puno ng pangkat ng mag-anak kung saan matatagpuan ang tala ng mag-asawa.
- Ipakita ang pahina ng tao ng isang tao sa mag-asawa.
- Pindutin ang Mga Asawa.
- Pindutin ang pana na pababa ng asawa mula sa kung kanino ang taong ito ay diborsiyo.
- Pindutin ang markang lapis na kasunod ng pangyayaring kasal. Hanapin ang petsa at lugar ng diborsyo.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ako magdaragdag o magbabago ng kabatiran sa kasal sa Family Tree?