Pagkatapos mong lumagda sa Familysearch.org, maaari mong pamahalaan ang mga memorya sa home page feed. Ipinapakita lamang ng home page ang buong website.
Itago ang mga hakbang ng memorya (website)
- Kung wala ka sa home page, pindutin ang FamilySearch logo sa itaas ng kaliwang sulok.
- Hanapin ang kahon na may larawan na gusto mong tanggalin.
- Sa ibaba ng kanang sulok ng kahon, pindutin ang ellipsis (...).
- Pindutin ang isang pagpipilian:
- Itago ang Memorya tatanggalin ang bagay sa iyong feed. Kung nagbago ang iyong isip, pindutin ang Undo.
- Tanggalin ang (pangalan ng ninuno) sa pahinang ito tatanggalin ang tao sa iyong feed. Repasuhin ang mensaheng pop-up na tabing at pindutin ang Tanggalin o Kanselahin. Kung pipindutin mo ang Tanggalin, ang tao ay hindi na magpapakita sa image feed o sa listahan ng Mga Mungkahing Gawain.
- Mag-ulat ng Abuso ipapadala ang mensahe sa isang grupo o pangkat na rerepasuhin ang posibleng abuso sa aming mga pamantayan at maaaring tanggalin ang bagay na memorya. Ang abuso ay nangyayari kapag ang bagay na memorya ay lumalabag sa aming mga kasunduan sa paggamit o mag-upload ng mga patnubay.
Ibalik ang nakatagong mga hakbang ng ninuno (website)
Kung pipindot ka upang tanggalin ang isang ninuno sa iyong home page, maaaring mong ang ibalik ang aksyon:
- Pumunta sa iyong account settings.
- Pindutin ang Mga Pahintulot.
- Bumalumbon pababa sa Nakatagong Mga Ninuno.
- Pindutin ang Pamahalaan ang mga nakatagong ninuno.
- Pindutin ang Pabalikin.
Magkakaugnay na mga lathalain
Ano-anong mga katangian ang nasa aking home page?
Paano ako mag-rereport ng abuso, spam, hindi angkop na mga memorya, at ibang nilalaman?