Paano ko sa-saliksikin ang lahat ng mga koleksyon ng talaang pangkasaysayan ng minsanan?

Share

Mayroon kaming malawak na pagkakaiba-iba ng mga talaang pangkasaysayan. Marami ang digitized, indexed, at inilathala sa online. Maaari kang maghanap sa aming koleksyon ng rekord at matuto nang higit pa tungkol sa iyong pamilya.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Magsaliksik.
  3. Pindutin ang Mga Talaan.
  4. Ilagay ang iyong mga katawagan sa pananaliksik, at pindutin ang Magsaliksik.
  5. Sa kanan, maaari mo pang gawing pino ang mga kinalabasan sa paghahanap.
  6. Pindutin ang isang bagay na nasa mga kinalabasan ng paghahanap na may interes ka.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Buksan ang Family Tree mobile app.
  2. Sa isang Apple iOS na kagamitan, sa ibaba ng tabing, pindutin ang 3 harang na menu. Sa isang Android na kagamitan, sa tuktok ng tabing, pindutin ang 3 harang na menu.
  3. Pindutin ang Magsaliksik ng Mga Talang Pangkasaysayan.
  4. Ilagay ang iyong mga katawagan sa pananaliksik, at pindutin ang Magsaliksik.
  5. Gamitin ang panig sa kanan at gawing pino ang iyong mga kinalabasan sa paghahanap. Upang muling itakda ang mga kinalabasan, pindutin ang Maghanap.
  6. Pindutin ang kinalabasan sa pagsasaliksik na may interes ka.

Mga Tulong sa pagsasaliksik

  • Magkaroon ng isang layunin. Alamin kung ano ang gusto mong mahanap.
  • Maghanap ng mga patay na taong namuhay noong 1950 o mas maaga.
  • Magsimula sa isang malawak na paghahanap.
  • Asahan na ang mga talaan at mga indeks na maglaman ng mga kamalian, iba- ibang pagbaybay, at mga pala-palagay.
  • Subukan ang iyong paghahanap nang maraming beses sa mga pagkakaiba-iba:
    • Dagdagan o bawasan ang agwat ng petsa.
    • Gamitin ang mga maunlad na pagpipilian sa paghahanap at magdagdag o pagtanggal ng kabatiran. Halimbawa, kung humanap ka ng lungsod ng kapanganakan at bayan, subukang saliksikin lang ang bayan.
    • Humanap ng isang kasapi ng mag-anak, sa halip
    • Humanap para sa mga kababaihan sa paggamit ng kani-kanilang mga pangalan sa pagka-dalaga at pag-aasawa. Maaari mo ring saliksikin lang ang unang pangalan ng babae at ang pangalan ng kaniyang asawa o mga magulang.
    • Tasahan ang mga petsa at lugar
    • Magdagdag ng isang pangalawang asawa, ama, ina, o ibang tao sa iyong mga pamantayan sa paghahanap. Upang magawa ito, pindutin ang ugnay para sa Asawa, Ama, Ina, o Ibang Tao. Ang paggawa nito ay magbubukas ng karagdagang larangan sa pananaliksik.
  • Kapag mayroong larawan, tingnan ito. Ang mga larawan sa talaan ay kadalasang mayroong mas maraming kabatiran kaysa sa nilalaman ng indeks.

Magkakaugnay na mga lathalain

Mga Tip sa Paghahanap para sa Mga Rekordan
g KasaysayanAng Mga Tagubilin sa Paghahanap para sa
Mga Rekordong KasaysayanPaano ako maghahanap ng mga makasaysayang talaan ayon Paano ak
o makakahanap at maghanap ng isang tukoy na koleksyon sa mga kasaysayang talaan? Paan
o ko makikita ang isang listahan ng lahat ng mga koleksyon ng rekord sa Historical Rec
ords? Paano ako makakahanap ng isang imahe sa isang hindi naka-index na koleksyon sa Hist
orical Records? Pagkuha ng Pinakamahusay mula sa Iyong Paghahanap: Pag-unawa sa Pahina ng

    Nakatulong ba ito?