Hanapin at saliksikin ang tiyak na mga koleksyon ng talang pangkasaysayan

Share

Maaari kang humanap at magsaliksik ng isang tiyak na koleksyon sa mga talang pangkasaysayan kaysa magsaliksik sa lahat ng mga koleksyon nang minsanan. Una, hanapin ang koleksyon na gusto mo. Pagkatapos saliksikin ito. Lahat ng mga kinalabasan ng iyong pagsasaliksik ay mula sa piniling koleksyon ng tala.

    Mga Hakbang para sa Mga Tala sa Paghahanap (website at mobile)

    Kasama ng mga koleksyon ng tala sa Paghahanap ng Mga Tala ang kapuwa na-indeks at hindi na-indeks na pangkat ng rekord. Ang ilan ay mula sa mga website maliban sa FamiySearch. Ang mga koleksyon ng ikatlong-partido ay karaniwang may mahahanap na mga indeks, ngunit dapat kang pumunta sa ibang website upang makita ang mga larawan. Ang ilang mga indeks at larawan ay may mga hangganan sa pagtingin. Maraming may mga hangganan ang maaaring matingnan sa isang sentro ng FamilySearch o kaakibat na aklatan.

    Mga Hakbang (website)

    1. Lumagda sa FamilySearch.org.
    2. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Magsaliksik.
    3. Pindutin ang Mga Talaan.
    4. Mag-balumbon pababa upang Mahanap ang isang Koleksyon.
    5. Sa larangan ng Pamagat ng Koleksyon, ilagay ang pamagat o batayang-mga- salita (gaya ng isang lugar o uri ng tala).Habang sumusulat ka, ang mga pamagat ng koleksyon ay lumilitaw.
    6. Pindutin ang pamagat na nais mong hanapin o tignan-tignan.
    7. Ilagay ang iyong mga katawagan sa pananaliksik, at pindutin ang Magsaliksik.
    8. Pindutin ang kinalabasan sa pananaliksik na interesado ka.
    9. Upang bumalik sa mga kinalabasan sa pagsasaliksik, pindutin ang pana na pabalik ng tignan-tignan.

    Mga Hakbang (mobile app)

    1. Sa Family Tree mobile app, buksan ang karagdagang mga pagpipilian:
      • Android: Pindutin ang tatlong guhit sa tuktok ng kaliwang sulok.
      • Apple iOS: Pindutin ang Marami Pa sa ilalim ng kanang sulok.
    2. Pindutin ang Saliksikin ang Mga Talaang Pangkasaysayan.
    3. Mag-balumbon pababa upang Mahanap ang isang Koleksyon.
    4. Sa larangan ng pananaliksik sa Pamagat ng Koleksyon, ilagay ang pamagat o mga batayang-salita. Habang sumusulat ka, lumilitaw ang mga pamagat ng koleksyon.
    5. Pindutin ang pamagat na nais mong hanapin o tignan-tignan.
    6. Upang bumalik sa mga kinalabasan sa pagsasaliksik, pindutin ang pabalik na pana.

    Mga Hakbang para sa Tuklasin ang Mga Larawang Pangkasaysayan (website lamang)

    Ang lahat ng mga koleksyon ng tala sa Tuklasin ang mga Larawan ay may mga larawan ng tala na maaari mong tingnan mula sa bahay. Ang ilan ay na-indeks at ang iba ay mga koleksyon ng larawan lamang.

    1. Lumagda sa FamilySearch.
    2. Pindutin ang Magsaliksik.
    3. Pindutin ang Mga Larawan
    4. Mag-balumbon pababa sa bahaging pinamagatang “Mga Bagong Larawan sa Tuklasin?”. Mayroon kang 3 paraan upang humanap ng isang koleksyon ng tala.

    Pagsasaliksik sa Pamagat ng Koleksyon
    Ang bawat isang paghahanap sa Tuklasin ang mga Larawan ay isang eksaktong paghahanap. Upang humanap ng isang koleksyon sa paggamit ng larangan sa pagsasaliksik ng Pamagat ng Koleksyon, dapat kang maglagay ng eksaktong pamagat ng koleksyon. Halimbawa, nais mong hanapin ang sensus noong 1910 para sa Estados Unidos. Kung ilalagay mo ang “1910 sensus”, ang kaparaanan ay hindi hahanap ng tugma. Ngunit kung ilalagay mo ang “Sensus ng Estados Unidos, 1910", hahanapin ng kaparaanan ang tugma. Gamitin ang pagsasaliksik sa Pamagat ng Koleksyon kapag may tiwala ka sa pamagat ng isang koleksyon ng tala.

    1. Pindutin ang larangan sa pagsasaliksik sa Pamagat ng Koleksyon.
    2. Habang sumusulat ka, lumilitaw ang mga pamagat ng koleksyon. Pindutin ang isa na nais mong tingnan.

    Tulungan Akong Maghanap ng isang Koleksyon.

    1. Pindutin ang Tulungan akong maghanap ng isang koleksyon.
    2. Maglagay ng isang pook sa larangan ng pagsasaliksik. Habang sumusulat ka, lilitaw ang pamantayang mga pook. Pindutin ang pamantayang sipi ng pook. Pindutin ang Magpatuloy.
    3. Pindutin upang makita ang mga pook sa loob ng pook na inilagay mo. Kung makakita ka ng isang mas maliit na pook ng interes, pindutin ito. Kung hindi, pindutin ang Lumundag sa Petsa. Huwag mawalan ng pag-asa kung ang listahan ng mga pook sa loob ng lokasyon ay hindi kasama ang bayan, lalawigan, o lungsod ng interes. Ang mga koleksyon ay madalas na nasa pangkat ng malalaking sakop tulad ng mga estado o bansa. Pindutin ang Magpatuloy
    4. Maaari kang maglagay ng isang petsa o saklaw ng petsa (pagpipilian). Habang sumusulat ka, lilitaw ang mga pamantayang sipi ng petsa o saklaw ng petsa. Pindutin ang pamantayang sipi. Pindutin ang Magpatuloy. Kung pinili mong huwag maglagay ng petsa, pindutin ang Lumundag sa Kaganapan sa Buhay.
    5. Pindutin ang pababa na pana. Pindutin ang isang bagay na nasa listahan, o iwanan ang kaganapan sa buhay na bilang Lahat. Pindutin ang Tingnan ang Mga Kinalabasan.
    6. Ang mga kinalabasan ng pagsasaliksik ay lumilitaw.
    7. Upang higit pang limitahan ang iyong mga kinalabasan, sa kanang itaas ng mga kinalabasan, pindutin ang Mga Sala. Isang bagong panig ay lumalabas sa kanan. Maaari mong gamitan ng sala ayon sa mga saligang-salita, mga kaganapan sa buhay, lugar, o petsa. Pagkatapos mong piliin ang mga sala, pindutin ang Ilagay-sa-panahon (Maaari mo ring alisin ang mga umiiral na sala upang mapalawak ang mga kinalabasan).
    8. Upang baguhin kung paano ipinapakita ang mga kinalabasan, sa kanang itaas pindutin ang markang bala na listahan o ang markang 3x3 parilya..

    Basa-basahin ang lahat ng Mga Koleksyon

    1. Pindutin ang Tignan-tignan ang lahat ng Mga Koleksyon
    2. Ang lahat ng koleksyon sa Tuklasin ang Mga Larawan ay lumilitaw sa baybayin na sunod-sunod.
    3. Upang gamitan ng sala ang listahan, sa kanang itaas, pindutin ang Mga Sala. Isang bagong panig ay lumalabas sa kanan. Maaari mong gamitan ng sala ayon sa mga saligang-salita, mga kaganapan sa buhay, lugar, o petsa. Pagkatapos mong pumili ng mga sala, pindutin ang Ilagay-sa-panahon.
    4. Upang baguhin kung paano ipinapakita ang mga kinalabasan, sa kanang itaas na pindutin ang markang bala na listahan o ang marka ng 3x3 parilya.

    Magkakaugnay na mga lathalain

    Mga Tulong sa Pagsasaliksik para sa Mga Talang Pangkasaysayan
    Mga Alituntunin sa Pagsasaliksik para sa Mga Talang Pangkasaysayan

    Paano ko hahanapin ang lahat ng Talang Pangkasaysayan na mga koleksyon ng minsanan?
    Paano ako maghahanap ng mga talang pangkasaysayan ayon sa pook o sa pamamagitan ng paggamit ng mapa ng mundo?
    Paano ko titingnan ang isang listahan ng lahat ng mga koleksyon ng tala sa Talaang Pangkasaysayan?
    Paano ko hahanapin ang isang larawan sa isang hindi na-indeks na koleksyon sa Mga Talang Pangkasaysayan?
    Pagkuha ng Karamihan sa Iyong Pagsasaliksik: Pag-unawa sa Pahina ng Mga Tala ng Pagsasaliksik

    Nakatulong ba ito?