Maaari ko bang iwasto ang mga kamalian sa indeksing na nakakaapekto sa lahat o ang karamihan ng koleksyon?

Share

Ang tiyak na mga kamalian ng indeksing ay makakaapekto sa buong koleksyon ng mga tala. Ang mga kamalian ay lumilitaw sa lahat o karamihan ng na-indeks na mga tala sa koleksyon. Narito ang ilang halimbawa:

  • Ang maraming inilagay na indeks ay nagsasabing ang mga tala ay mga tala sa pag-aasawa kapag ang mga ito ay talagang mga tala ng pagsilang.
  • Ang maraming inilagay na indeks ay kinikilala ang mga talang galing sa maling mga lugar, gaya sa nagsasabing ang mga ito ay mga talang California kahit ang mga ito ay talagang mga talang Virginia.

Maaari mong sabihin ang mga kamaliang ito, at maaari namin ayusin ang mga ito.

Ano ang dapat kong gawin ngayon?

  1. Mungkahi namin na ikabit mo ang nauugnay na mga kasulatang pangkasaysayan na natagpuan mo, kahit na anong mga kamalian sa indeksing ang nilalaman, sa mga tala ng iyong mga ninuno sa FamilySearch Family Tree. Sa pahayag na katuwiran, tiyakin na magsama ng paalaala tungkol sa mga kamalian sa indeksing para makita ng ibang mga tagatangkilik.
  2. Kontakin kami upang i-ulat ang kamalian. Kailangan namin ang sumusunod na kabatiran upang matulungan kaming hanapin ang koleksyon, patunayan ang problema, at patunayan ang isyu sa mga koponan na maaaring mag-ayos.
    • Ang pangalan ng koleksiyon. Ang kabatirang ito ay lilitaw sa maraming lugar sa talang na-indeks. Ang pinakamadaling mahanap ay diretsong-diretso sa ibaba ng pangalan ng tao sa mga kinalabasan ng saliksik o sa detalyeng pahina ng tala.
    • Ang pangalan ng kahit isang tao sa koleksiyon na may kamalian.
    • Pagsasalarawan ng kamalian.
    • Ang web address (URL) ng tala.
    • Ang screenshot ng kamalian kung maaari.

Paano yong tungkol sa mga kamalian ng salin sa isang tala?

Ang aming kasalukuyang kaparaanan ay papayagan kang maiwasto ang salin ng mga kamalian sa indeksing para sa mga pangalan, petsa, at mga lugar para sa ilang mga koleksiyon. Ang aming mga enhenyero ay muling nagtatayo sa kapuwa naming mga kaparaanan sa saliksik at paglilimbag upang magkaroon ng maraming pang koleksiyon. Tingnan ang sumusunod na magkakaugnay na mga lathalain.

Magkakaugnay na mga lathalain.

Bakit hindi ko maayos ang mga maling indeksing o salin?
Paano ko aayusin ang kamalian sa indeksing at salin sa mga talang pangkasaysayan?

Nakatulong ba ito?