Ang mga koleksyon ng tala ay madalas na isama ang isang pagpipilian sa pag-tingin-tingin ng mga larawan. Sa kadalasan, isinasama ng mga ito ang waypoints upang tulungan ka na maglayag sa mga larawang gusto mo. Ang koleksyon ng tala sa Sensus ng Estados Unidos 1950 ay kaiba. Sa halip na mga waypoint, dadalhin ka ng pagpipilian sa pag-tingin-tingin sa Siyasatin ang Mga Larawang Pangkasaysayan. Maaari mong gamitin ang mga sala o isang mapa upang hanapin ang mga partikular na larawang gusto mong tingnan.
Mga Hakbang (website)
- Lumagda sa FamilySearch.
- Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Magsaliksik at pagkatapos ang Mga Tala.
- Sa ibaba ng pangunahing kahon ng pagsasaliksik, hanapin ang bahaging Humanap ng isang Koleksyon.
- Sa kahon ng pagsasaliksik sa Pamagat ng Koleksyon, ilagay ang “1950 sensus”.
- Pindutin ang Sensus ng Estados Unidos 1950.
- Sa ibaba ng paglalarawan ng koleksyon, pindutin ang Tignan-tignan ang lahat ng 1,847,635 mga larawan.
- Ililipat ka ng kaparaanan upang Siyasatin ang mga resulta ng Mga Larawang Pangkasaysayan para sa sensus 1950. Maaari mo pang gamitin ang sala sa paggamit ng mapa o mga sala sa kaliwang panig.
Gamitin ang sala sa paggamit ng mapa
Maaari mong gamitin ang pana sa kaliwa upang ibagsak ang panig ng sala at palawakin ang mapa. Maaari mong hilahin pababa ang panig ng mga resulta at palawakin pa ang mapa.
- Mag-lipad-lipad ng iyong daga sa ibabaw ng mapa at pindutin ang pangalan ng isang estado.
- Mag-lipad-lipad sa mapa at pindutin ang pangalan ng isang bayan.
- Ang ilang mga bayan ay mayroong higit na isang tusok ng mapa. Kung makakita ka ng higit sa isa, pindutin ang partikular na lugar na gusto mong saliksikin.
- Sa kanang-tuktok, pindutin ang Itago ang Mapa.
- Sa kanang-tuktok, pindutin ang Ipakita.
- Upang piliin o alisin ang mga haliging-hanay, pindutin ang mga kahon. Para sa sensus na ito, inilalarawan ng Volume ang pag-isa-isa ng mga distrito at maaaring makatulong.
- Upang magbukas ng isang pangkat ng larawan, pindutin ang bilang ng pangkat ng larawan.
Gamitin ang sala na Gawing Pino ang Iyong Pagsasaliksik
Sa kaliwa ng mga resulta ng pagsasaliksik ay isang panig na Gawing Pino ang Iyong Pagsasaliksik. Kung hindi mo ito nakikita, sa kaliwang gilid ng iyong listahan ng mga resulta, pindutin ang maliit na pana. Ilagay ang kabatiran sa mga larangan. Para sa pinakamahusay na mga resulta, maglagay ng isang bayan at estado para sa lugar. Upang gamitin pa ang sala, sa ibaba ng Kaganapan ng Buhay ng larangan sa pagsasaliksik, pindutin ang Ipakita ang Unlad na Pagsasaliksik.
Mga Hakbang(mobile)
- Upang buksan ang menu, pindutin ang markang 3 guhit.
- Sa Android, pindutin ang 3 guhit sa kaliwang-tuktok.
- Sa Apple iOS, pindutin ang 3 guhit sa kanang ibaba.
- Pindutin ang Magsaliksik ng Mga Talang Pangkasaysayan.
- Magpatuloy sa mga hakbang para sa website.
Magkakaugnay na mga lathalain
Tignan-tignan ang mga larawan ng pelikula sa talang pangkasaysayan
Paano ako magsaliksik sa pamamagitan ng pag-isa-isa ng distrito (ED) sa Siyasatin ang Mga Larawang Pangkasaysayan?