Pagpapakilala
Nagbibigay ang FamilySearch ng maraming paraan upang tingnan ang mga larawan ng mga talang pangkasaysayan. Nagbibigay-pasya ang mga taga-alaga ng tala at mga batas sa kasarinlan ang mga karapatan sa paggamit sa digital na mga larawan.
Kung hinahanap mo ang iyong ninuno sa na-indeks na mga tala, maaari mong pindutin upang tingnan ang talang larawan mula sa na-indeks na kabatiran. Maaari ka ring mag-tingin-tingin sa digital na mga larawan ng maraming mga tala—kapuwa na-indeks at hindi na-indeks.
Bago ka magsimula
Maaari mong tingnan-tingnan ang mga larawan sa mga katayuang ito:
- Nakikita mo ang isang markang kamera para sa pangkat ng tala sa katalogo.
- Nakikita mo ang isang markang kamera sa mga kinalabasan ng iyong pananaliksik pagkatapos mong pindutin ang Magsaliksik at pagkatapos ang Mga Tala.
- Natatagpuan mo ang pangkat ng tala pagkatapos mong pindutin ang Magsaliksik at saka ang Mga larawan.
- Pindutin upang matingnan ang isang partikular na ninuno mula sa isang indeks at gustong makita ang ibang mga larawan sa parehong pelikula.
- Nakikita mo ang Mag-tingin-tingin sa [bilang] mga larawan kapag binuksan mo ang isang Koleksyon ng mga Talaang Pangkasaysayan.
Ang ilang markang kamera ay nagpapakita ng karagdagang marka na nagsasabi sa iyo na ang mga larawan ay mayroong mga pagbabawal sa paggamit. Upang makita ang mga pagbabawal, pindutin ang marka. Kadalasan ay maaari mong tignan-tignan ang mga larawan sa isang Sentro ng FamilySearch o kaakibat na aklatan. Ang mga pananda ay nagpapahiwatig ng posibleng mga paghihigpit sa paggamit:
- Isang kamera na may tatlong-sulok sa kanang ibaba
- Isang markang papel na may kamera sa gitna
Mga Hakbang (website o mobile)
Ang Maghanap ng Mga Larawang Pangkasaysayan ay isang katangian ng buong website at hindi magagamit sa mga kagamitang mobile. Ang lahat ng ibang mga pagpipilian sa paghahanap o pagtingin-tingin ay pareho sa kapuwa website at mobile Family Tree app.
- Maglayag sa talang nais mong tignan-tignan.
- Pindutin ang isang markang kamera, isang ugnay sa pag-tingin-tingin ng mga larawan, o isang pamagat sa Mag-tuklas ng Mga Larawang Pangkasaysayan.
- Sa taga-tingin ng larawan, gamitin ang mga kagamitan upang tignan-tignan ang mga larawan.
- Sa mga tabi ng larawan, pindutin ang mga pana sa kanan at kaliwa upang ilipat ang isang larawan nang isa-isa.
- Sa kanang itaas ng tabing, pindutin ang kahon na gawa sa 9 na pari-sukat upang makita ang mga maliliit na mga larawan. Mag-balumbon sa lahat ng maliliit na mga larawan hanggang mahanap mo ang bahaging gusto mong makita ng pa-tingin-tingin. Upang palakihin ang isang larawan, pindutin ng dalawang beses ang maliliit na larawan.
Mag-tingin-tingin sa katalogo
Kapag mag-klik ka ng markang kamera sa katalogo upang mag-tingin-tingin sa mga larawan, tandaan ang mga puntong ito:
- Ang lumang mga microfilm ay maaaring mayroong higit sa isang Bagay. Itala kung anong bilang ng bagay ang nagpapakita para sa pangkat ng talang gusto mong matingnan. Ang mga larawan ay palaging nagbubukas sa Bagay 1. Gamitin ang maliliit na tanawin upang mahanap ang pangunahing larawan para sa bawat isang bagay.
- Ang pelikula ay maaaring kabahagi ng isang Koleksyon ng Mga Talang Pangkasaysayan. Ang Mga Koleksyon ng Talang Pangkasaysayan ay may mga puntos-ng-landas na makatutulong sa iyo na mag-layag sa bahaging koleksyon ng interes. Habang tumitingin-tingin ka sa isang pelikula, pindutin ng dalawang beses upang palakihin ang isang larawan. Kung sina-sariwa mo ang pahina, ang puntos-ng-landas ay magbabago sa isang kaugnay na larawan sa halip ng buong pelikula. Upang balikan ang buong pelikula, pindutin ang pana na pababa sa tuktok na nakikita mo ang pamagat ng koleksyon. Pagkatapos ay pindutin ang bilang ng pelikula.
Mga tulong sa pagtingin-tingin
- Sa pahina ng mga detalye ng tala, pindutin ang pana na pababa sa tabi ng Kabatiran ng Kasulatan. Hanapin ang bilang ng isang sertipiko o pahina para sa tala.
- Hanapin ang indeks sa nauunang mga ilang larawan. O suriin ang katapusan ng pelikula para sa indeks.
- Ang ilang mga pelikula ay naglalaman ng mga larawan ng mga aklat gaya sa mga rehistro sa pag-aasawa. Mula sa maliit na tanawin, karaniwan mong nakikita kung kailan magsisimula ang bagong aklat. Gamitin ang mga pamagat ng aklat upang mahanap ang bahagi ng pelikula na may talang kailangan mo.
- Tingnan ang ilang mga larawan at pasyahan ang kani-kanilang kaayusan. Halimbawa, maaaring nasa alpabetong kaayusan ayon sa pangalan. O ang mga ito ay maaaring nasa sunod-sunod na kaayusan.
- Sa nakikita mo, gawin ang iyong pinakamagaling na hula kung saan mahahanap ang larawang gusto mo. Narito ang isang halimbawa:
- Ang digitized na pelikula ay mayroong mga tala ng kasalan. Ang 1,874 na mga larawan ay sunod-sunod ang ayos ayon sa bilang at saklaw ang 1840 hanggang 1898.
- Ang ninuno mo ay ikinasal noong 1870. Ang 1870 ay halos nasa kalagitnaan ng 1840 at 1898.
- Subukang lumipat sa larawang 937. Gaano kalapit ang petsang kailangan mo?
- Sumulong o bumalik ng unti-unti hanggang makuha mo ang malapit na petsa, bilang ng pahina, o bilang ng sertipiko. Saka gamitin ang mga pana upang pumunta sa larawan ayon sa larawan hanggang mahanap mo ang partikular na tala ng pagka-giliw.
Magkakaugnay na mga lathalain
Mga Tulong sa Paghahanap para sa Mga Talang Pangasaysayan
Mga Alituntunin sa Paghahanap para sa Mga Talang Pangkasaysayan
Paano ako hahanap ng isang larawan sa isang hindi na-indeks na koleksyon sa Mga Talang Pangkasaysayan?
Ano ang gagawin kapag ang isang larawan ay napakalaki o napakaliit, ta-gilid, o mahirap basahin
Paano ko kukunin ang mga larawan ng talang pangkasaysayan?
Bakit walang markang kamera na ipinapakita para sa isang digitized microfilm sa Katalogo?
Paano ako maglimbag ng mga larawan ng talang pangkasaysayan?