Paano ako hihiling na magpadala muli ng kodigo ng katunayan para pakilusin ang aking kuwenta sa FamilySearch?

Kapag mag-pa-rehistro ka para sa isang kuwenta sa FamilySearch.org, maaari mong gamitin ang bilang ng iyong telepono upang mapatunayan ang iyong pagkakilala at mapakilos ang iyong kuwenta. Padadalhan ka ng FamilySearch ng mensaheng tekstong kodigo ng patunay na may 6 na bilang. Kung hindi mo natanggap ang kodigo, patunayan na ang bilang ng telepono na inilagay mo ay tama. Pagkatapos mong iwasto ang bilang, makakahiling ka ng bagong kodigo ng patunay.

Patunayan ang iyong bilang ng telepono

  1. Lumagda sa FamilySearch.org.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, pindutin mo ang iyong pangalan, saka ang Mga kaayusan.
  3. Patunayan na ang bilang ng telepono ay tama. Kung ito ay mali, pindutin ang Ayusin, at gawin ang kailangang mga pagbabago.
  4. Pindutin ang Ipunin.

Muling ipadala ang kodigo ng patunay.

Kung ang bilang ng telepono mo ay tama, maaari kang humiling ng bagong mensaheng teksto ng patunay upang buhayin ang iyong kuwenta. Ang kodigo ay may bisa sa loob ng 20 minuto mula sa oras ng pagpapadala.

Kung maaari kang lumagda sa iyong kuwenta sa FamilySearch.org:

  1. Lumagda sa FamilySearch.org.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, pindutin ang iyong pangalan, saka ang Mga kaayusan.
  3. Sa ilalim ng iyong bilang ng telepono, pindutin ang Patunayan Ang Bilang ng Teleponong Ito.
  4. Kapag natanggap mo ang iyong bagong kodigo sa iyong telepono, ilagay ang bagong kodigo ng patunay sa kahon sa ilalim ng Ilagay ang Kodigo ng Patunay. Paalaala: Kung kailangan mong muling ipadala ang kodigo, pindutin ang Muling Ipadala ang Kodigo.
  5. Pindutin ang Patunayan.

Kung hindi ka maka-lagda sa iyong kuwenta sa FamilySearch.org:

  1. Kontakin ang Suporta ng FamilySearch.
  2. Dapat naming patunayan ang kabatirang ginamit mo sa paggawa ng iyong kuwenta sa FamilySearch.
  3. Muli kaming nagpapadala ng 6 na bilang na kodigo ng patunay upang pakilusin ang iyong kuwenta na FamilySearch.
  4. Pumunta sa verify.fs.org.
  5. Ilagay ang kodigo na may 6 na bilang ng patunay sa larangan ng kodigo ng patunay sa tabing.
  6. Pindutin ang Ipunin.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako gagawa ng libreng kuwenta ng FamilySearch?
Paano ko hihilingin na muling magpadala ang FamilySearch ng email sa pagpapatunay para sa aking Kuwenta?

Nakatulong ba ito?