Mga tulong sa pananaliksik para sa mga talaang pangkasaysayan

Habang Nauunawaan mo kung paano gumagawa ang paraan ng mga pagpipilian sa pananaliksik, makikita mo ang mga makasaysayang talaan na kailangan mo.

Mga Saligan (Batayan, Pasimula, Mga Pangunahing Kaalaman)

  • Magkaroon ng isang layunin. Alamin kung ano ang gusto mong mahanap.
  • Maghanap ng mga patay na taong namuhay noong 1950 o mas maaga.
  • Magsimula sa isang malawak na pagsasaliksik.Madalas kang makakakuha ng mas magaling na kalutasan kapag iiwanan mong walang laman ang ilang mga larangan sa pagsasaliksik.
  • Asahan na ang mga talaan at mga indeks na maglaman ng mga kamalian, iba- ibang pagbaybay, at mga pala-palagay.
  • Upang maghanap na may karagdagang kabatiran, pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
  • Subukan ang iyong pananaliksik ng maraming beses na mayroong mga pagkakaiba-iba.
    • Dagdagan o bawasan ang agwat ng petsa.
    • Magdagdag o tanggalin ang kabatiran. Halimbawa, kung naghanap ka ng lungsod ng kapanganakan at lalawigan, maghanap muli ng lalawigan lamang.
    • Maghanap para sa kasapi ng mag-anak ng iyong hinahanap na tao.
    • Maghanap para sa babae sa kaniyang apelyido sa pagka dalaga. Maghanap muli ng kanyang pangalan sa pag-aasawa. Maaari ka ring magsaliksik sa paggamit lamang ng unang pangalan ng isang babae at ang mga pangalan ng kaniyang asawa o mga magulang.
    • Tasahan ang mga petsa at mga pook.
    • Magdagdag ng asawa, ama, ina, o ibang tao sa iyong pagsasaliksik. Upang magdagdag ng mga larangan, pindutin ang Marami Pang Pagpipilian.
  • Gamitin ang mga sala sa pahina ng mga kinalabasan sa pagsasaliksik.
  • Palaging tingnan ang larawan, kung maaari. Ang mga larawan sa kadalasan ay may mas maraming kabatiran kaysa sa indeks.

Mga tulong sa larangang-tiyak ng pagsasaliksik

Mga Unang Pangalan

Ilagay ang una at gitnang mga pangalan ng tao. Ang iyong mga kinalabasan sa pagsasaliksik ay binalewala ang pagka-sunod-sunod ng mga pangalan.

  • Magdagdag o iwanan ang mga gitnang pangalan.
  • Subukan ang mga palayaw.
  • Subukan ang mga pagkakaiba-iba ng baybay.
  • Kung ang tao ay lumipat sa bagong bansa, subukan baybayin ang pangalan tulad sa nakaraang bansa. Hanapin muli ang pangalan na ginamit bago lumipat sa ibang bansa.
  • Gumamit ng mga tarheta-na-ligaw Ilagay ang * upang palitan ang zero o higit pang mga katauhan. Ilagay ang ? upang palitan ang isang katauhan.
    • Ang koleksyon ng Ellis Island ay mayroong maraming kamalian

      Hindi makukuha ang mga tarheta-na-ligaw na nasa koleksyon ng Ellis Island. Kung ang tarheta-na-ligaw ay ginamit, magbubunga ito ng napakaraming kamalian sa mga kahilingan.

  • Maghanap lamang ng unang pangalan at mga kaugnayan. Iwanan na walang man ang larangan ng Apelyido at kumpletuhin ang mga larangan ng Asawa o Mga Magulang.

Mga Huling Pangalan

Ilagay ang huling pangalan ng tao. Ang mga kinalabasan ng iyong pagsasaliksik ay iniingatan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan.

  • Subukan ang mga pagkakaiba-iba ng pagbaybay at wika.
  • Magsaliksik para sa mga kababaihan sa kani-kanilang mga pangalan sa pagka dalaga at mga pangalan ng pag-aasawa.
  • Gumamit ng mga tarheta-na-ligaw. Ilagay ang * upang palitan ang zero o higit pang mga katauhan. Ilagay ang ? upang palitan ang isang katauhan.
  • Iwanan na walang laman ang larangan, lalo na kapag naghahanap ka para sa babae. Maglagay ng ibang kabatiran, tulad ng mga pangalan ng asawa o mga magulang.

Mga kaganapan sa buhay

  1. Pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
  2. Pindutin ang uri ng kaganapan sa buhay na nais mong isama sa iyong paghahanap.
    • Kapanganakan
    • Pag-aasawa
    • Tirahan
    • Kamatayan
    • Kahit ano
  3. Ilagay ang pook at agwat ng taon.
  • Subukan ang iyong paghahanap sa ibat ibang mga kaganapan.
  • Subukan ang iyong paghahanap nang walang mga kaganapan.
  • Pa-minsan-minsan mayroon kang kabatiran tungkol sa isang pangyayari maliban sa kapanganakan, pag-aasawa, kamatayan, o tirahan. Gamitin ang Anuman upang maglagay ng kabatiran para sa mga kaganapan tulad ng militar na listahan o pandarayuhan.
  • Narito ang mga mungkahi para sa larangan ng pook.
    • Magsaliksik ng isang higit pa o hindi tiyak na antas ng pook. Halimbawa, kung naghanap ka para sa isang bayan, subukan ang lalawigan, estado, o distrito sa halip. O ilagay lamang ang pangalan ng bansa.
    • Gumamit ng mga tarheta-na-ligaw sa mga pangalan ng pook. Ilagay ang * upang palitan ang zero o higit pang mga katauhan. Ilagay ang ? upang palitan ang isang katauhan.
    • Tanggalin ang pook mula sa iyong pagsasaliksik. Sa halip, gawing makitid ang mga kinalabasan sa pananaliksik sa paggamit ng mga sala.
  • Subukan ang mga pagpipilian na ito para sa mga larangan ng taon:
    • Dagdagan o bawasan ang agwat ng petsa.
    • Maghanap nang walang petsa. Sa halip, gamitin ang mga sala sa mga kinalabasan ng pagsasaliksik upang gawing makitid ang iyong pagsasaliksik.
  • Maaari mong isama ang maramihang mga kaganapan sa iyong pagsasaliksik kapag nais mong humanap ng isang tiyak na uri ng talaan na naglalaman ng lahat ng mga kaganapan.
    • Upang mahanap ang tala ng kamatayan, maaari mong saliksikin ang kapuwa kaganapan sa kapanganakan at kamatayan. Ang mga tala ng kamatayan ay madalas na kasama ang kapuwa kabatiran sa kapanganakan at kamatayan.
    • Upang mahanap ang tala ng kapanganakan, isama lang ang kaganapan ng kapanganakan. Ang mga talaan sa kapanganakan ay karaniwang kulang ng kabatiran sa kamatayan.

Mga kasapi ng mag-anak

  1. Pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
  2. Pindutin ang uri ng kasapi ng mag-anak na gusto mong isama sa iyong pagsasaliksik.
    • Asawa
    • Tatay/Ama
    • Nanay/Ina
    • Ibang Tao
  3. Ilagay ang mga pangalan ng tatay, nanay, asawa, o ibang tao. Gamitin ang kaparehong mga tulong para sa una at huling mga pangalan ng pangunahing tao.

Ibang Mga Pagpipilian

  1. Pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
  2. Pindutin ang Pook, Uri, Bilang ng Bunton, Bilang ng Pangkat ng Larawan (DGS) o Bilang ng Pelikula, o Prinsipal
  3. Ilagay ang hiniling na kabatiran

Kapag na-klik mo ang Prinsipal, maaari mong lagyan ng tsek ang kahon sa tabi ng Prinsipal sa Tala. Ang kaparaanan lamang ang nagbabalik ng mga kinalabasan kung saan ang pangalan na iyong hinahanap ay ang prinsipal tao sa isang tala. Halimbawa, kung makakita ka ng tala ng pag-aasawa sa mga kinalabasan ng paghahanap, ang taong hinanap mo ay ang babaing ikakasal o lalaking ikakasal sa tala.

Tumpak na Pananaliksik

  1. Sa tabi ng buton ng pananaliksik, pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
  2. Pindutin ang kasunod na tali na nasa Ipakita ang Tumpak na Pananaliksik.
  3. Pindutin ang Tumpak na kahon ng tsek sa ilalim ng mga larangan para sa nais mong tumpak na mga kinalabasan.

Maunlad na mga tulong at pag-daya

Hanapin ang tala ng kapanganakan ng bata

  1. Ilagay ang pangalan ng bata, pook, at agwat ng taon.
  2. Pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
  3. Pindutin ang mga buton ng Tatay at Nanay .
  4. Ilagay ang mga pangalan ng mga magulang.
  5. Kung kinailangan, subukan ang mga pagkakaiba-iba:
    • Buong mga pangalan ng kapuwa magulang.
    • Ang buong pangalan ng tatay na wala ang pangalan ng nanay.
    • Ang pangalan sa pag-aasawa ng nanay na wala ang pangalan ng tatay.
    • Ang buong pangalan ng nanay sa pagka-dalaga na walang pangalan ng tatay.
    • Ang buong pangalan ng tatay kasama ang unang pangalan ng nanay.
    • Ang buong pangalan ng nanay sa pagka-dalaga kasama ang unang pangalan ng tatay.

Hanapin ang lahat ng mga anak sa isang mag-anak.

  1. Iwanan na walang laman ang mga larangan ng unang pangalan at apelyido.
  2. Maglagay ng pook at agwat ng taon kung alam.
  3. Pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
  4. Pindutin ang mga buton ng Tatay at Nanay .
  5. Ilagay ang mga pangalan ng mga magulang.
  6. Kung kinailangan, subukan ang mga pagkakaiba-iba para sa mga pangalan ng mga magulang.

Humanap ng mga talaan sa pag-aasawa.

  1. Ilagay ang pangalan ng isang tao, pook, at agwat ng taon.
  2. Pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
  3. Pindutin ang Asawa.
  4. Ilagay ang pangalan ng asawa.
  5. Kung kinailangan, subukan ang mga pagkakaiba-iba, gaya sa unang pangalan ng asawa at ang pangalan ng asawang babae sa pagka-dalaga.
  6. Upang bigyan ng hangganan ang mga kinalabasan ng iyong pananaliksik sa mga tala sa pag-aasawa lamang, pindutin ang Uri, at pindutin ang Pag-aasawa.

Hanapin ang pook kung saan nanirahan ang tao.

Gamitin ang pagpipilian sa Paninirahan upang humanap ng mga tala na nagpapakilala kung saan nanirahan ang isang tao. Ang ilang mga tala ay naglalaman ng isang adres o huling pook ng tirahan.Ang mga pook ng kapanganakan, pag-aasawa, at kamatayan ay ka-kaiba sa mga pook ng tirahan.

  1. Ilagay ang pangalan ng tao, pook, at agwat ng taon.
  2. Pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
  3. Pindutin ang Tirahan.
  4. Ilagay ang pook kung saan nanirahan ang tao.

Hanapin ang pangalan ng babae sa pagka-dalaga.

Subukang mahanap ang pangalan sa pagka-dalaga ng isang babae sa mga talaan ng kaniyang mga anak at kamatayan ng asawa.

  1. Ilagay ang pangalan, pook, at agwat ng taon para sa asawa ng babae o bata.
  2. Pindutin ang Marami Pang Mga Pagpipilian.
  3. Pindutin ang Uri.
  4. Pindutin ang Kamatayan.

Saliksikin ang mga talaan sa isang partikular na bansa, estado, o lalawigan.

  1. Tingnan o mag-balumbon pababa sa ilalim ng mga larangan ng pananaliksik.
  2. Sa ilalim ng Magsaliksik batay sa Pook, ilagay ang bansa, estado, o lalawigan sa larangan.
  3. Piliin ang pook sa listahan.
  4. Isagawa ang iyong pananaliksik sa pahinang lumilitaw.

Magsaliksik ng isang tiyak na koleksyon.

  1. Tingnan o mag-balumbon pababa sa ilalim ng mga larangan ng pananaliksik.
  2. Sa ilalim ng Maghanap ng Koleksyon, maglagay ng mga batayang-salita, tulad ng pook at kaganapan.
  3. Mag-klik sa isang koleksyon mula sa listahan.
  4. Isagawa ang iyong pananaliksik sa pahinang lumilitaw.

Ano ang gagawin kung hindi ka pa makahanap ng isang tala

  • Hanapin ang Katalogo ng FamilySearch. Saklaw ng katalogo ang mga aklat, mga online na kagamitan, microfilm, microfiche, at ibang mga paglilimbag.
  • Subukan ang Tuklasin ang Mga Larawang Pangkasaysayan, na nagpapahintulot sa iyo na mag-tingin-tingin sa mga larawan ng mga talang pangkasaysayan na hindi pa na-index.
  • Pag-aralan ang marami pang mga tala para sa isang tiyak na pook sa FamilySearch Wiki.
  • Tingnan sa Aklatang Digital ng FamilySearch.
  • Samantalahin ang mga pahiwatig na tala sa Family Tree.
  • Kung natatanggap mo ang kamalian na: "Napakaraming kahilingan", tanggalin ang mga tarheta -na-ligaw na nasa iyong pagsasaliksik at muling subukan.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko titingnan ang isang listahan ng lahat ng mga koleksyon ng rekord sa Talaang Pangkasaysayan?
Paano ko hahanapin ang lahat ng makasaysayang koleksyon ng rekord nang sabay-sabay?
Paano ako maghahanap ng mga talaan ng kasaysayan ayon sa lugar o sa pamamagitan ng paggamit ng mapa ng mundo?
Paano ako makakahanap ng isang imahe sa isang hindi na-index na koleksyon sa Talaan Pangkasaysayan?
Ano ang mga pahiwatig ng rekord sa Family Tree?
Ano ang pangunahing pangalan sa isang Talaang Pangkasaysayan?

Nakatulong ba ito?