Sa Family Tree, tinutukoy ng Tulong sa Pananaliksik ang maaaring mga paraan upang mapabuti ang balangkas ng isang tao. Ang lahat ng mga bagay na nasa Tulong sa Pananaliksik ay ipinapakita sa Family Tree sa website ng FamilySearch. Ipinapakita ng mobile app ang ilan sa mga ito.
Ang Tulong sa Pananaliksik para sa mga buhay at lihim na mga tao ay lumilitaw sa parehong mga pansariling puno at mga puno ng pangkat ng mag-anak.
Mga Uri ng Tulong sa Pananaliksik
- Maaaring mga kopya: Ibang mga tala sa Family Tree na maaaring tungkol sa parehong taong ito.
- Mga pahiwatig na Tala: Mga iminungkahing pagkukunan para sa tao. Ang mga pahiwatig ay nagmula sa Mga Talang Pangkasaysayan ng FamilySearch.
- Mga mungkahi sa pananaliksik: Mga mungkahing mga paraan na maaari mong mapabuti ang balangkas ng tao.
- Problemang Mga Datos: Mga kasalungat o mga kamalian sa mga datos, gaya sa araw ng kamatayan bago ang kapanganakan, o ang isang anak ay ipinanganak bago ang magulang.
Saan Makikita ang Tulong sa Pananaliksik
Sa website ng FamilySearch, lumilitaw ang Tulong sa Pananaliksik sa mga sumusunod na lugar:
- Ang lahat ng mga Punong Tanawin ay may mga pagpipilian. Piliin kung aling mga bagay na nasa Tulong sa Pananaliksik na nakikita mo sa mga pahina ng balangkas.
- Sa pahina ng tao, ang mga bagay ng Tulong sa Pananaliksik ay nasa kanang tuktok ng pahina. Upang makita ang lahat ng bagay na nasa Tulong sa Pananaliksik, pindutin ang Mga Detalye. Nakikita mo rin ang itinaboy na mga bagay.
Ang Family Tree mobile app ay nagpapakita ng maaaring mga kopya at mga pahiwatig na tala. Hindi ito nagpapakita ng mga problema sa data o mga mungkahi sa pananaliksik.
magkakaugnay na mga lathalain
Paano ako mag-sasama nang mga maaaring kopya sa Family Tree?
Paano ko ikakabit ang mga pahiwatig ng tala
sa Family Tree?
Saan ako hahanap ng mga mungkahi sa pananaliksik sa Family Tree?
Paano ko aayusin ang mga problema sa mga datos sa Family Tree?
Ang mga bagong problema sa mga datos o mga mungkahi sa pananaliksik ay lumitaw sa Family Tree