Bakit may mga limitasyon sa pag-access sa mga Talaan ng Kasaysayan?

Karamihan sa mga limitasyon sa pag-access ay nagmumula sa organisasyon na nagmamay-ari o namamahala sa mga orihinal na talaan ng kasaysayan. Ang iba ay malamang na batay sa mga lokal na batas sa data privacy. Tinutukoy ng mga limitasyon kung saan at paano magagawang available ng FamilySearch ang mga rekord. Ginagawa namin ang lahat para masuportahan ang mga kasunduang ito at ang mga hinihingi ng batas upang mapanatili natin ang tiwala ng ating mga kapartner.

Maaari mong malaman kung ang isang rekord na gusto mong makita ay may mga access limitation.

Mga Hakbang

  1. Maghanap ng talaan ng kasaysayan.
  2. Sa mga resulta ng paghahanap, ipapaalam sa iyo ng isang camera icon sa kanan na ang FamilySearch ay may mga larawan ng talaan.
  3. Iklik ang camera icon. Kung hindi makita ang larawan, ipinapaliwanag ng isang mensahe ang sitwasyon.
  4. Kapag nakakita ka ng rekord na may limitadong access, narito ang ilang pagpipilian:
    • Kung sasabihin ng mensahe na ang mga larawan ay makukuha sa isang FamilySearch center o sa isang affiliate library, bisitahin ang isang center at gumamit ng computer doon.
    • Subukang i-access ang rekord mula sa partner site o sa site ng may-ari ng talaan. Sa ilang pagkakataon, mayroon itong mga kaukulang bayad.

Kaugnay na mga artikulo

Ano ang mga restriksyon sa larawan sa mga Talaan ng Kasaysayan?
Saan ako makakahanap ng FamiySearch center?

Nakatulong ba ito?