Paano ko gagawing wasto ang pananda sa mga memorya at mga pagkukunan na inilagay sa maling tao sa Family Tree?

Maaari mong iwasto ang mga maling pananda sa mga memorya at mga pagkukunan.

Mga Hakbang (website)

Mga bagay na memorya

  1. Lumagda sa FamilySearch
  2. Mag-layag sa bagay na memorya na may maling pananda.
  3. Pindutin ang bagay.
  4. Sa kanan ng larawan, hanapin ang kahon na Nilagyan ng Pananda na Mga Tao. Pindutin ang markang Pababa na Pana sa tabi ng taong nilagyan ng maling pananda.
  5. Ang iyong pagpipilian ay mag-iba-iba ayon sa kung ikaw o ibang tao ang nagbigay ng ambag na bagay na memorya at nilagyan ng pananda ito.
    1. Kung ikaw ang nagbigay ng ambag:
      1. Pindutin ang markang Basurahan.
      2. Pindutin ang Tanggalin.
    2. Kung ibang tao ang nagbigay ng ambag:
      1. Pindutin ang markang Klip na Papel.
      2. Maglagay ng isang pahayag na dahilan.
      3. Pindutin ang Tanggalin.
  6. Upang lumikha ng isang pananda para sa tamang tao, pindutin ang buton na Lagyan ng Pananda ang Mga Tao.
  7. Hilahin ang kahon ng pananda sa wastong tao. Gamitin ang luntian na tuldok upang mapalitan ang sukat ng pananda.
  8. Sa kahon sa ilalim ng pananda, ilagay ang pangalan ng wastong ninuno. Pindutin ang pangalan at saka pindutin ang Ipunin.

Mga Pagkukunan

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa Family Tree, mag-layag sa taong may maling pananda ng pagkukunan.
  3. Malapit sa tuktok, pindutin ang pananda na Mga Pagkukunan.
  4. Pindutin ang pagkukunan na inilagay ang pananda sa maling tao.
  5. Kopyahin ang URL kung ang pagkukunan ay mula sa Internet.
  6. Pindutin ang Tanggalin. Ilagay ang iyong dahilan at pindutin ang Tanggalin.
  7. Mag-layag sa taong kinabibilangan ng pagkukunan.
  8. Pindutin ang Mga Pagkukunan.
  9. Pindutin ang Magdagdag ng Pagkukunan. Pindutin ang naaangkop na pagpipilian:

    1. AngMagdagdag ng Bagong Pagpipilian ay pumapayag sa iyong magdagdag sa paggamit ng URL.
    2. AngMagdagdag ng Bagong Pagkukunan ng Memorya ay pumapayag sa iyong magdagdag mula sa Galeriya ng Mga Memorya.
    3. AngMagkabit mula sa Kahong Pagkukunan ay pumapayag sa iyong magdagdag mula sa Kahong Pagkukunan.
  10. Ilagay ang naaangkop na kabatiran mula sa tabing na magpapakita.
  11. Pindutin ang Ipunin o Ikabit.

Mga Hakbang (Mobile app)

Mga Memorya

  1. Buksan ang Family Tree Memories app
  2. Hanapin at pindutin ang larawan na may maling pananda.
  3. Pindutin ang markang mukha ng tao upang makita ang kasalukuyang mga pananda. (Kung hindi mo nakikita ang marka, pindutin ang bagay na memorya.)
  4. Pindutin ang markang hugis ng isang tao.
  5. Pindutin sa loob ng bilog o parisukat sa larawan na nagpapakita ng maling pananda.
  6. Sa kaliwang tuktok ng hugis, pindutin ang X. Sa mga Android na mga kagamitan, nawawala ang pananda. Sa Apple iOS, pindutin ang Tanggalin.
  7. Pindutin ang larawan. Gamitin ang gilid ng pananda upang mailipat at masukat ito.
  8. Pindutin ang Magdagdag ng Pangalan.
  9. Ilagay ang pangalan, o hanapin sa pamamagitan ng ID.
  10. Pindutin ang pangalan sa listahan.
  11. Pindutin ang Tapos.

Sa Family Tree mobile app, mag-layag sa pahina ng isang tao. Pindutin ang pananda na Mga Memorya. Pindutin ang memorya na may maling pananda. Magpatuloy sa mga hakbang para sa Mga Memorya na app.

Mga Pagkukunan

  1. Buksan ang balangkas ng isang tao sa Family Tree mobile app.
  2. Pindutin ang pananda na Mga Pagkukunan.
  3. Pindutin ang pagkukunan na gusto mong matanggal.
  4. Sa kanang itaas, pindutin ang markang 3 tuldok.
  5. Pindutin ang Tanggalin.
  6. Maglagay ng isang dahilan at pindutin ang Tanggalin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Mangyaring gamitin ang buong website upang maayos ang mga pananda na Memorya o mailipat ang mga pagkukunan sa tamang tao.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko aayusin o tatanggalin ang mga pananda sa mga memorya?
Sa Mga Memorya, paano ako lilikha ng mga pananda ng tao para sa mga taong may magkaparehong pangalan?
Paano ko lalagyan ng pananda ang mga memorya ng aking mga ninuno o mga kamaganak sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?