Paano ko hahanapin ang ibang mga pook ng kumpanya ng genealogy sa loob ng FamilyTree?

Share

Ang mga talang pangkasaysayan ay matatagpuan sa maraming mga website sa sanlibutan. Mula sa FamilySearch Family Tree, maaari kang humanap ng mga talang pangkasaysayan sa Google at sa ibang mga website ng angkan—Ancestry, findmypast, MyHeritage, GeneaNet, at Filae.

Matutulungan ka ng FamilySearch Research Wiki na makahanap ng mga pagkukunan para sa mga talang pangkasaysayan.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.org
  2. Pindutin ang FamilyTree at pagkatapos ang Puno.
  3. Buksan ang isang pahina ng ninuno.
  4. Sa bahaging bandang kanan, hanapin ang Magsaliksik ng MgaTala. Ang bahagi ay naglalaman ng isang listahan ng mga logo ng kumpanya.
  5. Pindutin ang logo para sa website na gusto mong mahanap.
  6. Ang mensaheng babala ay lumilitaw: “Iniiwan mo ang FamilySearch upang dalawin ang aming mga pook ng suskrisyon ng ikatlong-partido.” Upang magpatuloy, pindutin ang OK.
  7. Kung mayroon kang isang kuwenta, lumagda sa website. Kung wala, maaari kang magsimula ng isang walang bayad na pagsubok o lumagda para sa isang may bayad na kuwenta.
  8. Ang mga kinalabasan sa pagsasaliksik ay lumilitaw sa isang bagong marka. Upang bumalik sa FamilySearch, pindutin ang tamang marka.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, ilantad ang pahina ng tao ng isang ninuno.
  2. Sa bahaging kanang-tuktok ng pahina ng tao, pindutin ang 3 tuldok. Sa menu na lumilitaw, pindutin ang Magsaliksik ng Mga Tala.
  3. Pindutin ang markang gusto mong saliksikin. Para sa mga pook ng ikatlong-partido, dapat kang lumagda upang makita ang ilang mga talaan.
  4. Ang mga kinalabasan ng pagsasaliksik ay lumilitaw. Upang bumalik sa app, sa bahaging kaliwang-tuktok ng tabing, pindutin ang 3 guhit na menu, at pindutin ang Angkan.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Upang magamit ang katangiang ito, mangyaring dalawin ang aming website, FamilySearch.org.

Mungkahing susunod na mga hakbang

Kung makakita ka ng may-katuturan na talang pangkasaysayan sa isang panlabas na pook, maaari mo itong idagdag bilang isang pagkukunan sa FamilyTree.

  • Kung natagpuan mo ang tala sa MyHeritage at nakalagda sa iyong kuwenta na MyHeritage, pindutin mo ang Ikabit ang pagkukunan sa FamilySearch. Gamitin ang mga alituntunin sa tabing. (Ang katangian na ito ay magagamit lamang kapag sinimulan mo ang iyong pagsasaliksik sa FamilyTree.)
  • Gumamit ng produkto ng isang ikatlong-partidong kumpanya, gaya sa RecordSeek, upang ikabit ang pagkukunan. (Ang RecordSeek ay makukuha lamang sa Ingles. Dalawin ang website ng produkto kung kailangan mo ng tulong at suporta).
  • Isulat sa kamay ang kabatiran ng pagkukunan sa Family Tree.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako mag-lagda para sa mga pagsapi ng ikatlong-partidong kumpanya?
Paano ko ikakabit ang mga pagkukunan mula sa MyHeritage sa Family Tree?
Paano ako lilikha ng pagkukunan sa Family Tree?
Paano ko iugnay ang isang pangalan sa aking punong nasa Ancestry.com sa isang tao sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?