Upang ikabit ang mga pagkukunan na MyHeritage sa Family Tree, bigyan- daan ang MyHeritage sa ugnay sa pahina ng Tao. Kung sinimulan mo ang paghahanap mula sa My Heritage sa halip na sa FamilySearch.org, hindi mo maaaring ilakip ang mga mapagkukunan sa isang tao sa Family Tree.
Mga Hakbang (website)
- Samantalang nakalagda sa FamilySearch.org, maglayag sa pahina ng Tao ng isang ninuno.
- Pindutin ang markang Mga Detalye.
- Sa Mga Tala sa Pananaliksik kahon sa kanan, pindutin ang MyHeritage.
- Pindutin ang OK.
- Lumagda sa MyHeritage, kung kailangan.
- Pindutin ang pangalan ng iyong ninuno sa mga resulta ng pananaliksik ng MyHeritage.
- Muling suriin ang kabatiran.
- Pumunta sa ibaba ng pahina ng tala, at sa kaliwang bahagi ng ibaba ng tabing, pindutin ang Magkabit ng pagkukunan sa FamilySearch.
- Ang lagay na pagkukunan para sa FamilySearch.org ay lilitaw kasama ang lahat ng larangan na kusang-may-laman, maliban ang pahayag na katuwiran.
- Idagdag ang iyong pahayag na dahilan.
- Sa "Piliin ang Kabatiran o Mga Kaganapan sa Pagkukunan na ito," pindutin ang kahon sa kaliwa ng bawat isang bagay ng pagkukunan.
- Kung hindi mo gusto ang pagkukunan sa iyong Kahon ng Pagkukunan, pindutin upang alisin ang tsek sa kahon.
- Pindutin ang Ipunin.
Mga Hakbang (mobile app)
- Pindutin ang indibidwal na nais mong ikabit ang isang pagkukunan.
- Sa kanang-tuktok sa sulok ng tabing, pindutin ang 3 mga tuldok ng menu.
- Pindutin ang Saliksikin ang Mga Tala.
- Pindutin ang MyHeritage.com.
- Pindutin ang Magsaliksik o OK.
- Ang website ay magbubukas sa browser.
- Lumagda sa MyHeritage, kung kailangan.
- Pindutin ang pangalan ng iyong ninuno sa mga resulta sa pananaliksik ng MyHeritage.
- Muling suriin ang kabatiran.
- Pumunta sa ibaba ng pahina ng tala, at sa ibabang kaliwang bahagi ng tabing, pindutin ang Magkabit ng pagkukunan sa FamilySearch.
- Ang lagay na pagkukunan para sa FamilySearch.org ay lilitaw kasama ang lahat ng larangan na kusang-may-laman, maliban ang pahayag na katuwiran.
- Idagdag ang iyong pahayag na dahilan.
- Sa "Piliin ang Kabatiran o Mga Kaganapan sa Pagkukunan na Ito," pindutin ang kahon sa kaliwa ng bawat isang bagay sa pagkukunan.
- Kung hindi mo gusto ang pagkukunan sa iyong Kahon ng Pagkukunan, pindutin upang alisin ang tsek sa kahon.
- Pindutin ang Ipunin.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ako makakakuha ng tulong sa isang third party site o app? Pa
ano ako maghahanap ng iba pang mga site ng kumpanya ng talakawan mula sa loob ng Family Tree?
Paano ako mag-sign up para sa pag-access sa MyHeritage?