Paano ko hahanapin ang mga talang pangkasaysayan para sa isang ninuno sa FamilyTree?

Share

Ang payak na paraan upang mahanap ang mga talang pangkasaysayan para sa partikular na ninuno ay ang paghanap mula sa pahina ng tao sa FamilyTree. Kung nakakakita ka ng mga talaan, maaari mong gamitin ang taga-ugnay na pagkukunan upang ikabit ang mga ito bilang pagkukunan sa Family Tree.

Kapag sinimulan mo ang isang paghahanap mula sa Family Tree, ang pangalan at ibang pamantayan sa paghahanap ay pupunan para sa iyo.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.org, at maglayag sa naaangkop na pahina ng Tao.
  2. Sa bahaging Magsaliksik ng Mga Tala sa kanan, pindutin ang FamilySearch. Isang listahan ng mga talang pangkasaysayan ay lumilitaw batay sa kabatirang nasa tala ng Family Tree. Maaari mong baguhin ang paghahanap sa kanang panig.
  3. Sa mga kinalabasan ng pagsasaliksik, pindutin ang pangalan upang makita ang mga detalye ng tala.
  4. Repasuhin ang kabatiran at larawan, kung maaari.
  5. Kung ang pagkukunan ay naaangkop sa iyong ninuno, pindutin ang Ikabit sa Family Tree. Kung nakakabit na ang pagkukunan, nakikita mo kung kanino ito nakakabit. Pindutin ang papel na may markang papel na klip at repasuhin ang mga nakakabit.
  6. Gamitin ang taga-ugnay ng pagkukunan upang ikabit ang pagkukunan.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, hanapin at pindutin ang pangalan ng isang ninuno.
  2. Sa kanang- tuktok sa sulok ng tabing, pindutin ang 3 tuldok.
  3. Pindutin ang magsaliksik ng mga tala.
  4. Pindutin ang FamilySearch.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Upang mahanap at ikabit ang mga talang pangkasaysayan sa Family Tree, gamitin ang buong sipi ng website.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ako maghahanap ng FamilySearch sa ibang mga pook ng kumpanyang angkan mula sa loob ng Family Tree?
Paano ko ikakabit ang isang talang pangkasaysayan sa isang tao sa Family Tree?
Paano ako magdaragdag ng panlabas na pagkukunan sa Family Tree?
Pagkuha sa Karamihan ng Iyong Pagsasaliksik: Pag-unawa sa Pahina ng Mga Tala sa Pagsasaliksik

Nakatulong ba ito?