Paano ko idaragdag ang isang magulang sa Family Tree?

Ang isang pinakatuwirang paraan sa pagdaragdag ng mga magulang ay sa pag-uugnay ng mga ito sa anak na nasa iyong puno na.

Mga Hakbang (website)

  1. Habang nakalagda sa FamilySearch.org, pindutin ang Family Tree.
  2. Maglayag sa pahina ng Tao ng anak ng isang magulang na gusto mong idagdag.
  3. Kung hindi mo makita ang "Vitals" sa malapit sa tuktok ng pahina, pindutin angDetails.
  4. Magbalumbon pababa sa bahaging Family Members .
  5. Sa ilalim ng Mga Magulang at Mga Kapatid, pindutin ang Idagdag ang Magulang.
  6. Ilagay ang kabatiran tungkol sa magulang, at pindutin angSusunod, na maaari pagkatapos mong pindutin angPatay. (Kung alam mo ang ID ng magulang, pindutin ang Ayon sa Bilang ng ID.)
  7. Kung natagpuan ng Family Tree ang mga taong tugma sa iyong saliksik, itatala ang mga ito. Ipahiwatig kung kailangan mong idagdag ang tumutugmang tao o maglikha ng panibago.
    • Kung ang tao ay nasa Family Tree na, pindutin ang Idagdag ang Tugma.
    • Kung ang tao ay wala pa sa Family Tree, pindutin ang Maglikha ng Tao.
    • Upang maisa-ayos ang iyong saliksik, pindutin ang Refine Search.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree app, maglayag sa pahina ng Tao ng anak ng isang magulang na gusto mong idagdag.
  2. Tapikin ang Parents tab.
  3. Tapikin ang Add Parent.
  4. Ilagay ang kabatiran tungkol sa magulang, at tapikin ang Magpatuloy. (Kung alam mo ang ID, tapikin ang Magdagdag ayon sa ID o Maghanap ayon sa ID.)
  5. Suriin ang mga resulta. Kung mahanap mo ang tamang magulang, tapikin ang Magdagdag ng Tugma.
  6. Kung hindi makita ang tao sa mga kinalabasan sa pananaliksik, tapikin ang Walang Tugma.
  7. Muling suriin ang iyong inilagay at tapikin ang Magdagdag o Idagdag ang Taong Itoupang makalikha ng panibagong tala.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Habang nakalagda sa Family Tree Lite, maglayag sa pahina ng Tao ng anak ng isang magulang na gusto mong idagdag.
  2. Pindutin angView Family.
  3. Sa ilalim ng Mga Magulang at Mga Kapatid, pindutin ang Magdagdag ng Magulang o Magdagdag ng Ibang Magulang.
  4. Ilagay ang kabatiran tungkol sa magulang, at pindutin angNext. (Kung alam mo ang ID ang magulang, pindutin ang Find By ID Number.)
  5. Suriin ang mga resulta. Kung mahanap mo ang tamang magulang, pindutin ang Add Person. Kung matagpuan mo ang kapwa ina at ama, pindutin ang Magdagdag ng Mag-asawa.
  6. Kung hindi mo makita ang tao sa mga kinalabasan sa pananaliksik, pindutin ang Create Person.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko idaragdag ang isang anak sa Talaangkanan?
Isang tao sa Talaangkanan ay maling asawa
Paano ko kikilalanin ang bayolohikal(tunay), panguman, ampon, at alagaing mga kaugnayan sa Talaangkanan?
Paano ko ibabalik ang kinaltas na kaugnayan sa Talaangkanan?
Paano ko pagpapalitin ang katayuan ng magulang o kaya asawa upang mabago ang kalantaran ng hanay ng mag-anak sa Talaangkanan?

moduleTitle