Paano ko idadagdag ang asawa o kasosyo sa FamilyTree?

Maaari kang magdagdag ng isa o higit pang mga asawa ng tuwiran mula sa iyong kamaganak o pahina ng mga ninuno. Maaari ka ring magdagdag ng asawa o kasosyo nang tuwiran mula sa tanawin ng Unang Ninuno.

Mga Hakbang (website)

Tanawin, Larawan, Pamaypay na Tsart, at MgaTanawing Angkan

  1. Sa tuktok ng menu, pindutin ang Family Tree, at pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Hanapin ang tao sa puno na gusto mong idagdag ang asawa.
  3. Pindutin pangalan ng tao Sa mga detalyeng lumalabas, pindutin ulit ang pangalan ng tao. Dadalhin ka sa pahina ng taong iyan.
  4. Pindutin ang Mga Detalye na marka.
  5. Mag-balumbon pababa sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak.
  6. Sa ilalim ng Mga Asawa at Mga Anak, pindutin ang Idagdag ang Asawa.
  7. Ilagay ang kabatiran tungkol sa asawa, at pindutin ang Susunod, na makukuha pagkatapos mong pindutin ang Patay.(Kung alam mo ang ID ng asawa, pindutin Sa Bilang ng ID.
    • Ang Karagdagang Pagpipilian sa Paghahanap sa ibaba ng menu na Magdagdag ng Asawa ay nagbibigay sa iyo ng pagpipilian na hanapin ang asawa na kasama ang kanilang mga magulang, o, kung naaangkop, mga dating asawa. Ang karagdagang kabatirang ito ay maaaring gawing madaling mahanap ang tugma sa loob ng Family Tree.
  8. Kung nakita ng FamilyTree ang mga taong tugma sa iyong paghahanap, itatala ang mga ito. Ipahiwatig kung kailangan mong idagdag ang taong tugma o lumikha ng panibago:
    • Kung ang tao ay nasa FamilyTree na, pindutin ang Idagdag ang Tugma.
    • Kung ang tao ay wala pa sa Family Tree, pindutin ang Lumikha ng Tao.
    • Upang maisaayos ang iyong pagsasaliksik, pindutin ang Gawing Pino ang Pagsasaliksik.

Tanawing Unang Ninuno

  1. Lumagda sa FamilySearch, pagkatapos ay pindutin ang FamilyTree, at pagkatapos ay pindutin ang Puno.
  2. Mag-layag sa taong gusto mong idagdag ang asawa.
  3. Sa itaas ng larawan ng tao, pindutin ang + na marka.
  4. Pindutin ang Magdagdag ng Asawa.
  5. Ilagay ang kabatiran tungkol sa asawa, at pindutin ang Susunod, na makukuha pagkatapos mong pindutin ang Patay.(Kung alam mo ang ID ng asawa, pindutin Sa pamamagitan ng Bilang ng ID)
    • Ang Karagdagang Pagpipilian sa Paghahanap sa ibaba ng menu na Magdagdag ng Asawa ay nagbibigay sa iyo ng pagpipilian na hanapin ang asawa na kasama ang kanilang mga magulang, o, kung naaangkop, mga dating asawa. Ang karagdagang kabatirang ito ay maaaring gawing madaling mahanap ang isang tugma sa Family Tree.
  6. Kung nakita ng FamilyTree ang mga taong tugma sa iyong paghahanap, itatala ang mga ito. Ipahiwatig kung kailangan mong idagdag ang taong tugma o lumikha ng panibago:
    • Kung ang tao ay nasa FamilyTree na, pindutin ang Idagdag ang Tugma.
    • Kung ang tao ay wala pa sa Family Tree, pindutin ang Lumikha ng Tao.
    • Upang maisaayos ang iyong pagsasaliksik, pindutin ang Gawing Pino ang Pagsasaliksik.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree app, maglayag sa pahina ng Tao ng taong gusto mong idagdag ang asawa.
  2. Pindutin ang markang Mga Asawa.
  3. Pindutin ang Idagdag ang Asawa.
  4. Ilagay ang kabatiran tungkol sa asawa, at pindutin ang Magpatuloy.(Kung alam mo ang ID ng asawa, pindutin ang Idagdag sa pamamagitan ng ID o Hanapin sa pamamagitan ng ID .)
  5. Muling suriin ang mga resulta sa pananaliksik. Kung mahanap mo ang tamang asawa, pindutin ang Idagdag ang Tugma.
  6. Kung hindi mo makita ang tao sa mga resulta ng pagsasaliksik, pindutin ang Hindi Tugma.
  7. Muling suriin ang inilagay mo at pindutin ang Magdagdag o Idagdag ang Taong Ito upang lumikha ng isang bagong tala.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Lumagda sa Family Tree LIte, saka maglayag sa pahina ng Tao ng taong ang asawa ay gusto mong idagdag.
  2. Pindutin ang Tignan ang Mag-anak.
  3. Sa ilalim ng Mga Asawa at Mga Anak, pindutin ang Idagdag ang Asawa o Idagdag ang Ibang Asawa.
  4. Ilagay ang kabatiran tungkol sa asawa, at pindutin ang Susunod. (Kung alam mo ang ID ng asawa, pindutin ang Hanapin ayon sa Bilang ng ID.)
  5. Muling suriin ang mga resulta sa pananaliksik. Kung mahanap mo ang tamang asawa, pindutin ang Idagdag ang Tao.
  6. Kung hindi mo makita ang tao sa mga kinalabasan sa pananaliksik, pindutin ang Lumikha ng Tao.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ang isang tao sa FamilyTree ay may maling asawa
Paano ko maibabalik ang isang tinanggal na kaugnayan sa FamilyTree?
Paano ako magdaragdag ng mga buhay na kamaganak sa isang tao sa FamilyTree?
Paano ko tutukuyin ang tunay, step, ampon, at foster na mga kaugnayan sa Family Tree?
Paano ko papalitan ang kaayusan ng magulang o asawa upang mabago ang pagpapakita ng mga hanay ng mag-anak sa FamilyTree?

moduleTitle