Paano ko itatala ang isang kuwentong tungkol sa isang larawan o kasulatan?

Share
0:00 / 0:00
videoCompanion
How to add photos to a person in a few easy steps | FamilySearch

Maaari mong itala ang iyong sarili o ibang taong mayroong maikling kuwento (hanggang sa 5 minuto) tungkol sa isang larawan o kasulatan na inilagay mo sa FamilySearch.

Bago ka magsimula

  • Kung hindi mo pa inilagay ang larawan o kasulatan sa FamilySearch, ilagay mo ito. Maaari ka lamang magdagdag ng mga salansan na pandinig sa mga larawan o kasulatan na iyong inilagay.
  • Hindi ka maaaring magdagdag ng pandinig sa mga kasulatan na PDF.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Mga Memorya, kasunod ng Galeriya.
  3. Kung inilagay mo sa archive ang memorya, pindutin ang Aking Archive.
  4. (Pagpipilian) Kung naglagay ka ng maraming memorya, pindutin ang markang kamera upang makita ang iyong larawan o ang markang kasulatan upang makita ang iyong mga kasulatan.
  5. Pindutin ang larawan o kasulatang gusto mo.
  6. Sa panig ng kabatiran sa kanan, mag-balumbon pababa at pindutin ang Magdagdag ng Pandinig.
  7. Kung inudyukan, bigyan ng pahintulot ang FamilySearch na gamitin ang iyong mikropono. Kung ang mensahe ay walang pagpipilian para sa pagbibigay ng pahintulot, nangangahulugan na ito ay dapat mong baguhin ang kasarinlan ng browser at katiwasayan ng iyong mga kaayusan. Ang bawat browser ay naiiba, kaya maghanap sa Internet para sa mga alituntunin.
  8. Pindutin ang markang mikropono.
  9. Pagkatapos na matapos ang pagbilang ng oras, sabihin ang iyong kuwento.
    • Maaari kang huminto ng sandali at magpatuloy sa pagtatala sa anumang oras.
    • Kung natanggap mo ang isang mensaheng ang kahusayan ng dinig ay mababa, subukan na palakasan ang boses o ilapit ang mikropono sa iyong bunganga.
  10. Pindutin ang Ipunin. Pino-proseso ng FamilySearch ang salansan. Kapag tapos na ito, ang buton na tugtugin ay lumalabas sa ilalim ng bagay.
  11. Upang pa-tugtugin ang talang pandinig, pindutin ang play button.

Tanggalin ang pagtatala

  1. Sa panig ng Kabatiran, hanapin ang bahaging Mga Detalye.
  2. Sa kanan ng pagtatala, pindutin ang X.
  3. Pindutin ang Tanggalin ang salansan na pandinig.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Buksan ang FamilySearch Family Tree app o Memories app.
  2. Hanapin at pindutin ang larawan o kasulatan.
    1. Android: Sa kanang itaas, pindutin ang markang 3 tuldok at pagkatapos ay pindutin ang Mag-tala ng isang Memorya.
    2. Apple iOS: Sa kanang ibaba, pindutin ang markang mikropono at pagkatapos ay pindutin ang Mag-tala ng Pandinig. (Kung hindi mo nakikita ang marka, pindutin ang bagay na memorya).
  3. Kung inudyukan, pindutin ang OK at payagan ang app na magamit ang iyong mikropono.
  4. Pindutin ang Magsimula. Maaari mong ihinto ng pansamantala at ipagpatuloy ang pagtatala sa anumang oras.
  5. Pindutin ang Tapos.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang Family Tree Lite ay hindi pumapayag na magbigay ka ng mga larawan, mga kasulatan, mga kuwento, o mga salansan na pandinig. Sa halip gumamit ka ng website o mobile app.

Kapag natapos ka

Ang larawan o kasulatan at ang kuwento nito ay nasa pag-iingat ng FamilySearch. Ikaw, bilang taga-ambag, ay maaaring mong tanggalin ang salansan na pandinig at iwanan ang larawan sa FamilySearch. Maaari mo rin tanggalin ang kapuwa larawan o kasulatan at ang salansan na pandinig.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ilalagay ang mga memorya sa FamilySearch?
Ang aking galeriya sa Memorya ay punong-puno
Maaari ko bang tanggalin ang larawan, kuwento, kasulatan, o salansan na pandinig sa Memorya?

Nakatulong ba ito?