Paano ko aayusin ang isang pagkukunan sa Family Tree?

Share

Maaari mong ayusin ang kabatiran tungkol sa mga pagkukunan na nakakabit sa mga tao.

Bago ka magsimula

  • Kung magdaragdag ka o aayusin mo ang isang URL, rerepasuhin ito ng FamilySearch upang matiyak na ito ay naglalaman ng angkop na laman sa Family Tree.
  • Kung naaprubahan na ang website para magamit sa Family Tree, maaari mong ipunin ang pagkukunan at magpatuloy.
  • Kung ang website ay hindi naaprubahan para sa Family Tree, hinihikayat ka ng kaparaanan na ibigay ang URL para sa pagrepaso. Pagkatapos ng pagsusuri, makakatanggap ka ng isang patalastas na email. Sa puntong iyon, bumalik sa Family Tree, at ilagay muli ang URL.Rerepasuhin ng FamilySearch kapag iugnay mo sa isang lugar na hindi sinusubaybayan ang nilalaman.
  • Kung inilagay mo ang isang website na ituturing ng FamilySearch.org na hindi angkop, hindi mo maaaring ipunin ang pagkukunan.

Mga Hakbang (website)

  1. Kung kailangan, gamitin ang punong taga-pili na nasa kaliwang sulok sa itaas upang ilipat sa punong nais mong ayusin.
  2. Maglayag sa pahina ng Tao ng taong may nakakabit na pagkukunan.
  3. Pindutin ang markang Mga Pagkukunan
  4. Pindutin ang pagkukunan na nais mong ayusin.
  5. Pindutin ang Ayusin.
  6. Ilagay ang iyong mga pagbabago at isang dahilan para sa mga pagbabago.
  7. Pindutin ang Ipunin.

Humanap ng mga pagkukunan na nakakabit sa mga kaugnayan sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak ng isang pahina ng tao. Pindutin ang markang ayusin sa tabi ng alinmang petsa ng kasal o pangalan ng bata, ayon sa kaugnayan.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Kung kailangan, gamitin ang punong taga-pili na nasa ibaba upang ilipat sa punong nais mong ayusin. (Ang pagpipilian na ito ay kasalukuyang magagamit sa siping iOS ng app lamang.)
  2. Maglayag sa pahina ng Tao ng taong may nakakabit na pagkukunan.
  3. Pindutin ang markang Mga Pagkukunan.
  4. Pindutin ang pagkukunan na nais mong ayusin.
  5. Sa kanang sulok sa tuktok, pindutin ang 3 tuldok, at pagkatapos ay pindutin ang Ayusin.
  6. Gawin ang iyong mga pagbabago, at pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa kasalukuyan, ang Family Tree Lite ay walang katangian na Mga Pagkukunan. Dalawin ang buong website.

Magkakaugnay na mga lathalain

Ano ang aking kahon ng pagkukunan?
Paano ako magdaragdag ng panlabas na pagkukunan sa Family Tree?
Paano ko ibabalik ang mga pagkukunan na tinanggal sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?