Paano ko aayusin ang mga kamalian tungkol sa buhay na mga kamaganak sa FamilyTree?

Share

Kung nagdagdag ka ng isang buhay na tao sa iyong hanay sa Family Tree, ang tala ng taong ito ay magpapakita lamang sa iyo. Maaari mong iwasto ang anumang kabatiran sa tala.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa FamilyTree, hanapin ang tao sa paggawa ng isang nasa sumusunod:
    • Maglayag sa taong nasa puno.
    • Buksan ang listahan ng Aking Mga Ambag (pagkatapos na lumagda, pindutin ang Family Tree, pagkatapos Aking Mga Ambag). Pindutin ang Pansariling Mga Tao. Ilagay ang pangalan ng tao sa larangan ng Pagsasaliksik.
  2. Pindutin ang pangalan ng tao
  3. Sa mga detalyeng lumalabas, pindutin muli ang pangalan ng tao.
  4. Pindutin ang markang Mga Detalye.
  5. Pindutin ang Ayusin ang marka sa tabi ng kabatiran na gagawin mong wasto. .
  6. Repasuhin ang mga pagkukunan at pahayag na dahilan. Magpatuloy lamang kung ang iyong pagbabago ay gagawing mas tiyak ang kabatiran.
  7. Kapag inaayos mo ang pangalan ng tao, piliin ang nararapat na wika sa larangan sa ibabaw ng pangalan, ayon sa pangangailangan.
  8. Gawin ang iyong mga pagbabago.
  9. Kung papalitan mo ang petsa o lugar, pindutin ang pamantayang petsa o lugar. Kung walang pamantayang tugma, ilagay ang petsa, at ang kaparaanan ay pipili ng pamantayan para sa iyo.
  10. Maglagay ng isang pahayag na dahilan, at ipaliwanag kung bakit tama ang kabatiran.Kung maaari ang umiiral na katuwiran, hayaan ang umiiral na paliwanag, at idagdag ang sarili mong mga puna ayon sa pangangailangan.
  11. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa FamilyTree, hanapin ang tao sa paggawa ng isang nasa sumusunod:
    • Maglayag sa taong nasa puno.
    • Buksan ang listahan ng Aking Mga Ambag: Pindutin ang 3 markang pahalang na guhit. Pagkatapos, pindutin ang Aking Mga Ambag, at saka pindutin ang Pansariling Mga Tao. Mag-balumbon ng kaunti pababa, at ilagay ang pangalan ng tao sa larangan ng Pagsasaliksik.
      Ang markang 3 pahalang na guhit ay nasa ibang lugar sa mga sipi ng Apple iOS at Android na app.
      • Apple iOS: Sa ilalim ng kanang sulok.
      • Android: Sa tuktok ng kaliwang sulok.
  2. Pindutin ang Mga Detalye.
  3. Sa bahaging Mga Mahalaga, pindutin ang kabatirang gusto mong baguhin.
  4. Pindutin ang Ayusin.
  5. Repasuhin ang mga pagkukunan at pahayag na dahilan. Magpatuloy lamang kung ang iyong pagbabago ay gagawing mas tiyak ang kabatiran.
  6. Baguhin ang kabatiran, at pindutin ang Magpatuloy.
  7. Maglagay ng pahayag na dahilan at ipaliwanag kung bakit tama ang kabatiran.Kung ang umiiral na katuwiran ay maaari, hayaan ang umiiral na paliwanag, at idagdag ang sarili mong mga puna ayon sa pangangailangan.
  8. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

  1. Sa tabing ng Mag-anak, pindutin ang pangalan ng tao.
  2. Pindutin ang kabatiran na gusto mong baguhin, at pindutin ang Ayusin.
  3. Repasuhin ang pahayag na dahilan Magpatuloy lamang kung ang iyong pagbabago ay gagawing mas tiyak ang kabatiran.
  4. Ayusin ang kabatiran.
  5. Maglagay ng pahayag na dahilan at ipaliwanag kung bakit tama ang kabatiran.Kung ang umiiral na katuwiran ay maaari, hayaan ang umiiral na paliwanag, at idagdag ang sarili mong mga puna ayon sa pangangailangan.
  6. Pindutin ang Ipunin.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko babaguhin ang katayuan mula sa patay tungo sa buhay na nasa Family Tree?
Paano pinangangalagaan ng Family Tree ang kasarinlan ng mga taong buhay?

Nakatulong ba ito?