Ano ang kaugnayan ng FamilyTreeNow sa FamilySearch?

Share

Ang FamilyTreeNow ay isang website ng angkan na hindi nauugnay sa FamilySearch. Pinagsama-sama nito ang kabatiran tungkol sa mga tao mula sa malawak na magagamit na publikong mga tala at pagkatapos ay gumagamit ng ibang kabatiran sa online upang makilala ang mga posibleng kamaganak at mga kasama. Maaaring gamitin ng mga rehistradong tagagamit ang kabatirang ito upang simulan ang pagtayo ng isang family tree sa website.

Ang FamilyTreeNow ay hindi kaakibat sa FamilySearch.

  • Ang FamilyTreeNow ay hindi tugma sa FamilySearch Family Tree. Ito ay nangangahulugan na ang aplikasyon ng family tree rito ay hindi tumatanggap, namamahagi, o nagpapalit ng kabatiran sa FamilySearch Family Tree.
  • Hindi ito lumilitaw sa Galeriya ng Mga Kalutasan ng FamilySearch.
  • Nasa Ingles ito sa kasalukuyan at pangunang pokus sa mga talaan mula sa Estados Unidos. Gayunpaman, maaari itong maglaman ng kabatiran tungkol sa mga taong nagmula sa ibang mga bansa.
  • Maaari kang lumabas sa FamilyTreeNow sa paggamit ng mga alituntunin sa http://www.familytreenow.com/optout. Nasa sa iyo kung lalabas ka o huwag pansinin ang pagpipilian na ito. Inirerekomenda namin na magsaliksik ka at isa-alang-alang ang anumang mga kasangkot bago mo piliin ang pagpipilian na lumabas.

Para sa mga katanungan tungkol sa kung paano pinangangalagaan ng FamilySearch ang kabatiran tungkol sa mga taong buhay, tingnan ang aming pansariling patalastas. Para sa partikular na kabatiran tungkol sa kung paano inaalagaan ang buhay na mga tao sa FamilySearch Family Tree, tingnan ang mga lathalaing nakalista sa ibaba.

Magkakaugnay na mga lathalain

Sino ang makakakita ng aking buhay na mga kamaganak sa Family Tree?
Paano inaalagaan ng Family Tree ang kasarinlan ng buhay na mga tao?

Nakatulong ba ito?