Ang pinakamahusay na paraan upang ibahagi ang iyong family tree ay ang lumikha ng isang pangkat ng mag-anak na may puno ng pangkat ng mag-anak. Pagkatapos ay maaaring kunin ng lahat ang Family Tree mobile app at makita ang parehong kabatiran tungkol sa parehong buhay at patay na mag-anak.
Kung ayaw mong lumikha ng punong pangkat ng mag-anak, maaari mo ring ibahagi ang mga isinulat na mga tala ng pangkat ng mag-anak, pamaypay na tsart, at mga tsart ng lahi. Upang lumikha ng mga maaaring ibahagi na salansan na PDF, sundin ang mga hakbang sa ibaba.
Mga Hakbang (Apple iOS Tree app)
- Maglayag sa isang taong nais mong ibahagi ang mga tsart.
- Sa kanang itaas, pindutin ang 3 tuldok.
- Pindutin ang Marami Pa.
- Pindutin ang Mga Tsart.
- Pindutin ang tsart na nais mong ibahagi.
- Sa kanang-itaas, pindutin ang 3 tuldok.
- Pindutin ang Ibahagi.
- Ang mga pagpipilian sa pagbabahagi ay iba-iba batay sa mga kagamitang ginagamit mo. Pindutin ang isa at magpatuloy sa paggamit ng mga hudyat sa tabing.
Mga Hakbang (Android Tree app)
- Maglayag sa isang taong nais mong ibahagi ang mga tsart.
- Sa ilalim ng maitim na harang na may kasamang pangalan, swipe upang humanap ng mga Tsart.
- Pindutin ang markang Mga Tsart.
- Pindutin ang tsart na nais mong ibahagi.
- Sa kanang-itaas, pindutin ang 3 tuldok.
- Pindutin ang Ipadala ang Salansan...
- Maaari mong pindutin ang pangalan ng isang kontak o isang pagpipilian para sa pagbabahagi ng salansan.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ako lilikha ng isang pangkat ng mag-anak o puno ng pangkat ng mag-anak?
Paano ko isusulat ang mga tala ng pangkat ng mag-anak sa Family Tree?
Paano ko isusulat ang mga pamaypay na tsart at mga lahing tsart sa Family Tree?