Paano ko isusulat ang mga tala ng pangkat ng mag-anak sa Family Tree?

Ang tala ng pangkat ng mag-anak ay naglilista sa mag-asawa at kanilang mga anak, kasama ang nakaugnay na katunayan tungkol sa kanila. Maaari mong isulat ang mga ito mula sa Family Tree kahit mayroon o walang mga pinagmulan.

Kung isasama mo ang mga pinagmulan, tanging ang mga pinagmulan na nakalakip sa mga indibidwal ang isusulat. Ang mga pinagmulan na nakakabit sa mga kaugnayan ay hindi maisulat.
Tandaan: Hindi maaaring isulat ang mga tala ng pangkat ng mag-anak para sa mga tao. Ang mga asawa o mga anak ay dapat na isama sa talaan, o ang bintana ng pag-sulat ay lalabas na isang kamalian

Mga Hakbang (website)

  1. Mula sa Family Tree sa FamilySearch website, hanapin ang pahina ng tao ng isa ng mga magulang sa mag-anak.
  2. Kung ang bahaging Mga Detalye ay hindi pa bukas, pindutin ang Mga Detalye.
  3. Kung ang tao ay nakakabit sa higit sa isang asawa, mag-balumbon sa ibaba ng bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak, at pindutin ang Itakda ang Gusto. Piliin ang asawa na gusto mong isulat.
  4. Hanapin ang bahaging mga Kagamitan sa kanan bahagi ng tabing at pindutin ang Isulat.
  5. Pindutin ang alinman sa Tala ng Pangkat ng Mag-anak o Tala ng Pangkat ng Mag-anak na may Pinagmulan.
  6. Ang tsart ay magbubukas bilang PDF sa isang bagong marka. Gamitin ang katangiang isulat ng browser upang isulat ito. Kung ang iyong kompyuter ay mayroong problema sa salansan na PDF, subukang linisin ang iyong cache at kukis o gumamit ng ibang browser. Gamitin ang katangiang isulat ng iyong browser upang isulat ito.

Sa website ng FamilySearch, ang Family Tree ay lumilikha ng mga paggawa ng mga salansan na PDF para sa mga tala ng pangkat ng mag-anak. Maaari kang magdagdag o magbago ng kabatiran sa pahina. Habang tumutulong sa mga salansan sa paggawa, alalahanin ang mga sumusunod na patnubay:

  • Ang Chrome ay pinakamagaling sa suporta sa paggawa ng mga salansan na PDF. Ang mga tagagamit ng Firefox ay nakikita ang mensahe sa kanang tuktok kapag binuksan nila ang PDF: "Ang kasulatang PDF na ito ay naglalaman ng mga porma. Ang pag-puno ng mga larangan ng porma ay hindi suportado.
  • Hindi binabago ng pagpapalit ng salansan na PDF ang kabatiran sa Family Tree. Inirerekomenda naming baguhin ang kabatiran sa Family Tree at pagkatapos ay isulat ang ulat.
  • Ang laki ng bawat salinlahi ay isang inayos na lapad. Hindi mo maaaring baguhin ito.

Mga Hakbang(mobile)

Kung ang iyong mobile na kagamitan ay takdang sumulat, maaari mong isulat ang tsart ng angkan mula sa Family Tree mobile app. Kung hindi, maaari mong ibahagi ang salansan na PDF sa iyong sarili sa pamamagitan ng email o ibang paraan kung saan maaari kang sumulat.

  1. Mula sa Family Tree mobile app, hanapin ang taong gusto mo, at pindutin ang kaniyang pangalan.
  2. Kung ang tao ay may asawa o mga magulang, sundin ang mga hakbang na ito:
    1. Pindutin kahit alin sa Mga Asawa o Mga Magulang.
    2. Pindutin ang pababa na pana para sa mga asawa o mga magulang na gusto mo sa iulat.
    3. Kung hindi pa ito napili, pindutin ang Gusto
  3. Buksan ang pagpipilian na isulat.
    • Android: Pindutin ang Mga Tsart.
    • Apple iOS: Pindutin ang 3 tuldok sa kanang sulok sa itaas, pindutin ang Marami pa, at pagkatapos ay pindutin ang Mga Tsart.
  4. Pindutin ang tala ng pangkat ng mag-anak na gusto mo:
    • Android: Mag-anak na may Mga Pinagmulan o Mag-anak.
    • Apple iOS: Mag-anak na may Mga Pinagmulan(PDF) o Mag-anak (PDF)
  5. Kung ikaw ay gumagamit ng kagamitang Android, buksan ang mga kinuha, at pindutin ang salansan. Kung kinailangan, pumili ng isang programa para sa pagbubukas ng salansan na PDF. Sa isang Apple iOS na kagamitan, ang PDF ay basta magbubukas.
  6. Gamitin ang pagsulat na tungkulin ng iyong kagamitang upang isulat ito. O pindutin ang Mga Pagpipilian na buton, at ibahagi ang ulat sa paggamit ng email o isang pagpipilian.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Hindi mo magagamit ang Family Tree Lite upang isulat ang tala ng pangkat ng mag-anak.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko isusulat ang mga tsart na pamaypay at tsart ng angkan sa Family Tree?
Paano ko isusulat ang mga pahina ng tao sa Family Tree??

Nakatulong ba ito?