Paano ko gagamitin ang katangiang Humanap ng Magkatulad na Mga Tao upang mahanap ang posibleng mga kopya sa Family Tree.

Share

Ang Family Tree ay kusang magsasaliksik upang makita kung ang mga tala ay baka sa isang tao. Maaaring hindi, gayunpaman, hanapin ang bawat maaaring duplikasyon.Maaari mong gamitin ang katangiang Humanap ng Magkatulad na Mga Tao upang madaling mahanap ang ibang mga tao na may magkatulad na kabatiran.Maaaring ang mga ito ay kopya na hindi kusang nahanap ng Family Tree para sa iyo.

Mga Hakbang (website)

  1. Sa Family Tree, ilanrad ang pahina ng tao ng taong gusto mo.
  2. Kung hindi mo makita ang Mga Mahahalagang malapit sa tuktok ng tabing, pindutin ang Mga Detalye.
  3. SA Tools Section, pindutin ang Find Similar People. Isang bagong tab ay magbubukas sa mga resulta ng saliksik. Ang pangalan ng tao at ibang kabatiran ay kusang idinagdag sa mga linang ng pagsasaliksik.
  4. Suriin ang mga resulta.
  5. Kung hindi mo makita ang taong gusto mo, baguhin ang mga pamantayan mo sa pagsasaliksik.
    1. Sa kaliwang panel, gawin ang iyong mga pagbabago.
    2. I-click Hanap.
    3. Muling suriin ang mga resulta.
  6. SA mga resulta ng saliksik, pindutin ang pangalan ng tao upang makita ang tarheta ng tao.
  7. Sa tarheta ng tao, pindutin ang Tao.
  8. Muling suriin ang tala.
  9. Kung nakakita ng taong maaaring duplikasyon, pagsamahin ang mga duplikasyon sa paggamit ng mga bilang ng ID.

 

Mga Hakbang (mobile app)

Ang Family Tree mobile app sa kasalukuyan ay wala nitong katangian. Ganunpaman, kung nahanap mo ang kopya na mga tala, maaari mong pagsamahin ang mga ito ayon sa bilang ng ID.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa kasalukuyan, Ang Family Tree Lite ay hindi nagpapahintulot ng pagsasama. Lumagda sa FamilySearch website o sa Family Tree mobile app upang pagsamahin ang mga kopya.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko pagsasamahin ang mga kopya sa Family Tree ayon sa bilang ng ID?
Paano ko pagsasamahin ang mga talang kopya sa Family Tree?
Paano ko malalaman na pinagsasama ko ang tamang mga tala sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?