Upang ma-access ang iyong mga mensahe sa Chat, gawin ang mga sumusunod na hakbang.
Mga Hakbang (website)
- Lumagda sa FamilySearch.org.
- Sa kanang sulok sa tuktok, pindutin ang markang Usapan. Ang marka ay kinakatawan ng 2 sapin-sapin na mga kahon ng pagsasalita.
- Lumilitaw ang bintana ng Mga Usapan kasama ang iyong mga mensahe.
- Lumilitaw ang mga hindi nabasa na mensahe sa tuktok ng kaliwang haligi.
Mga Hakbang (mobile app)
- Buksan ang Family Tree mobile app.
- Buksan ang tabing na menu — markang 3 guhit sa kanang ibaba ng bahaging Apple iOS o kaliwang itaas ng Android.
- Pindutin ang Usapan.
- Ang iyong mga mensahe ay lumilitaw sa tabing.
- Mag-balumbon sa buong listahan ng mga mensahe hanggang sa makita mo ang gusto mong basahin. Upang basahin ang mensahe, pindutin ito.
- Upang tumugon, ilagay ang mensahe sa maliit na pari-habang kahon sa ilalim ng tabing.
- Pagkatapos mo, pindutin ang markang ipadala.
Paalaala: Hindi magagamit ang Usapang FamilySearch para sa mga tagagamit na wala pang 18 taong gulang. Gayunpaman, ang mga gumagamit na ito ay maaaring lumahok sa FamilySearch Chat sa pamamagitan ng mga nakabahaging grupo ng pamilya.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko magagamit ang FamilySearch Chat?
Paano ko iulat ang pang-aabuso, spam, hindi naaangkop na alaala, at iba pang nilalaman? Paano k
o tatanggalin ang isang mensahe sa FamilySearch Chat? Paano ako
makakapag-mute, itago, o i-block ang isang tao na nakikipag-chat sa akin?