I-save ang mga Alaala ng Pamilya
I-save ang mga Alaala ng Pamilya
Subukan ang mga simpleng aktibidad na ito para masimulan ang pagse-save at pagbabahagi ng mahahalagang bahagi ng iyong pamilya.
Narito ang ilang mga aktibidad para makapagsimula ka.
Ang buhay ay binubuo ng mga kuwento na nagtatala ng masasaya at malulungkot na bahagi ng buhay. Ang pag-iingat ng ating mga kuwento ay magiging pagpapala para sa mga susunod na henerasyon.
4 hakbang
Mag-upload at magbahagi ng retrato
Step 2: I-tap ang (+) button. Piliin ang retrato mula sa hard drive ng iyong computer o sa camera roll ng iyong mobile device.
Maaari ka ring mag-import ng retrato mula sa Google, Facebook, o Instagram.
Step 3: Magdagdag ng mahahalagang impormasyon tulad ng kung sino (o ano) ang nasa retrato, isang pamagat, deskripsyon, petsa at lugar.
Step 4: Iklik ang Ibahagi at piliin kung paano mo gustong ibahagi ang retrato.
5 hakbang
Magkuwento - Magtala ng alaala
Step 2: Ang mga kuwento ay maaaring i-type o idagdag bilang PDF o audio file.
Step 3: I-tap ang button na Magdagdag ng Alaala (+) at piliin ang Lumikha ng Kuwento (computer) o Magsulat ng Kuwento (mobile).
Step 4: Ipasok ang pamagat ng iyong kuwento.
Step 5: Ipasok ang teksto ng iyong kuwento gamit ang keyboard ng iyong device o ang dictation option.
Huwag mag-alala na maikli lamang ang kuwento mo o kung wala ka gaanong oras para ayusin o i-edit ito. Pagtuunan ang pagtatala ng isang alaala—hindi kailangang maging perpekto ito. Maaari mong itong balikan at i-edit kung kinakailangan.
Step 6: Itakda kung Pribado o Public ang visibility nito.
Step 7: Opsiyonal: Magdagdag ng mga retrato para mailarawan ang kuwento.
Step 8: I-tap ang I-save.
Step 9: Ang iyong kuwento ay iingatan sa iyong mga alaala. Maaari mong ibahagi ang link sa email o text, o sa mga social network.