Makilahok

Makilahok

Subukan ang aktibidad na ito upang makatulong ka sa mga mananaliksik sa buong mundo.

Ano ang Indexing?

Ang indexing ay isang proyektong ginagawa ng mga boluntaryo kung saan ang mga larawan ng mga rekord ng kasaysayan—tulad ng mga census return o obituwaryo—ay ginagawang searchable online. Magandang paraan ito para makapagpasalamat sa genealogy community at gawing posible sa mga tao na matuklasan ang tungkol sa kanilang mga pamilya.

Paano ito gumagana

Ang larawan ng isang rekord ng kasaysayan na hindi pa na-index ay hindi lalabas sa isang search. Wala itong mga key word para mahanap.

Ang isang boluntaryong taga-index ay titingnan ang rekord sa indexing program at ita-type ang mahahalagang impormasyon, tulad ng mga pangalan, petsa, at lugar. Ang resulta nito ay idadagdag sa mga rekord na maaaring i-search nang libre sa FamilySearch.

Ang indexing ay itinataguyod at pinangungunahan ng FamilySearch, isang serbisyong hatid ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Subukan ito

Bisitahin ang Indexing homepage para mag-sign in sa FamilySearch at piliin ang “batch” ng mga larawan na gagawan ng index. May mga proyekto sa iba’t ibang wika. Ibahagi lamang ang oras na mayroon ka. Mayroong makatutulong na resources na nasa system para masagot ang iyong mga tanong.