Maghanap ng mga Ninuno sa mga Rekord

Maghanap ng mga Ninuno sa mga Rekord

Matutulungan ka ng mga rekord na matuklasan ang mga bagong detalye at lumikha ng landas patungo sa isang partikular na ninuno.

Pagsisimula sa paghahanap ng mga ninuno

Ang paghahanap ng iyong mga ninuno sa mga rekord ng kasaysayan ay parang katulad rin ng Google search. Ipapasok mo ang nalalaman mo tungkol sa isang bagay na nais mong mahanap. Pagkatapos ay maghahanap ang search engine sa napakaraming data upang mahanap ang pinakatugmang impormasyon.

Para sa paghahanap ng isang ninuno, makabubuting magpasok ng impormasyong tulad ng pangalan ng tao at kung saan at kailan siya nabuhay at namatay. Makatutulong din ang pagpasok ng anumang relasyon tulad ng asawa, magulang, o mga anak.

Ipasok ang anumang nalalaman mo o kayang malaman mula sa mga kamag-anak. Huwag mag-alala na hindi mo alam ang lahat; maaari pa ring maghanap gamit ang kaunting impormasyon.

Ano ang susunod na gagawin

Matutulungan ka ng mga rekord ng kasaysayan na matipon ang mga detalye ng isang kuwento ng pamilya. Makapagbibigay ang mga ito ng mahahalaga o kawili-wiling impormasyon tulad ng mga address, pangalan ng mga miyembro ng pamilya, at mga personal na detalye tulad ng tangkad, kulay ng mata, at trabaho. Maaari mo ring mahanap ang pirma ng iyong ninuno.

I-save ang nahanap mo tungkol sa iyong mga ninuno sa kanilang profile sa Family Tree. Ang mga ise-save mo ay iingatan at awtomatikong ibabahagi sa iyong mga kamag-anak na maaaring hinahanap ang gayunding impormasyon. Ang mga detalyeng ito ay mga source din na makapagpapatunay sa mga impormasyon sa buhay ng isang tao at makatutulong na mapatunayan ang mga relasyon.