Gumawa ng isang Family Tree
Subukan ang mga aktibidad na ito para masimulang ang pagtatala ng sanga ng iyong family tree sa FamilySearch.
Ano ang tree?
Ito ay isang lumalagong koleksyon ng mga genealogy ng mga pamilya. Mga tao mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay nagdagdag ng kanilang mga sanga sa paglipas ng maraming taon.
Mga unang hakbang
Simula sa iyong mga magulang, magdagdag ng mga nabubuhay at yumaong mga kamag-anak sa abot ng iyong makakaya. Maaaring makatulong sa iyo ang pagtawag o pagtext sa isang nakatatandang kamag-anak para makakuha ng mga nawawalang impormasyon.
Tip: Huwag alalahanin ang pagdaragdag ng mga nabubuhay na indibiduwal habang itinatala mo ang mga yumao na. Lahat ng impormasyon tungkol sa mga nabubuhay na tao ay ginawang pribado.
Pagdagdag ng mga tao sa Tree
Piliin ang (+) button para magdagdag ng tao sa tree.
Idagdag ang pangalan ng tao at ang petsa at lugar ng kanyang kapanganakan o kamatayan. Anuman ang alam mo o kayang makuhang impormasyon. Pagkatapos ay piliin ang susunod.
Kumonekta sa community Family Tree
Habang nagdadagdag ka ng mga pangalan sa tree, maghahanap kami ng mga katugma. Kaya kung nasa tree na ang yumao mong lola, mahahanap namin siya at gagawa ng koneksyon. Karaniwang makahanap ng mga katugma—ang community Family Tree ay binubuo ng mga kontribusyon mula sa mga mananaliksik sa buong mundo, sa paglipas ng maraming taon.
Mag-abang ng mga record hint
Dagdag pa sa paghahanap sa maaaring katugmang mga ninuno sa family tree, maghahanap din kami sa aming koleksyon ng mga rekord ng kasaysayan para sa sinumang yumaong ninuno na dinagdag mo. Kapag may katugma, magpapakita kami sa iyo ng ���hint.” Malalaman mong may hint kapag may nakita kang kulay asul na icon.
Buksan ang link para makapunta sa Family Tree at makapagsimula. Iklik ang icon na (?) sa itaas ng pahina kung mayroon kang mga katanungan o kung nais mong matutuhan pa kung paano ito gumagana.
Tip: Rebyuhin ang mga hint para makita kung katugma ba talaga ang mga ito. Kung oo, magandang paraan ito para magdagdag ng mga bagong sanga sa family tree.