Tungkol sa Amin

Magmula noong 2011 ang RootsTech ng FamilySearch ay naging pagtitipon ng mga pamilya na walang katulad. Ang taunang conference na ito na unang idinaos sa Salt Lake City, Utah, ay lumago at nagbago sa paglipas ng mga taon. Sa personal man na pagtitipon o online, ang RootsTech ay palaging nakatuon sa pagdiriwang ng mga ugnayan—ng nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap.

Ano ang Aasahan sa RootsTech?

Isang family history conference. Isang on-demand learning library. Isang paraan para mapalapit sa mahahalagang tao, lugar, at kwento. Tungkol dito ang RootsTech at higit pa. Samahan kami sa pagdiriwang ng kagalakang nagmumula sa mga koneksyon.

Thumbnail para sa Pagkatuto

Pagkatuto

Ang RootsTech ay nagbibigay ng mga klase sa Family History na idinisenyo para sa lahat ng antas ng interes at kasanayan, na makukuha sa mahigit 40 wika na saklaw ang halos lahat ng bansa. Sa madaling sabi, mayroon itong maiaalok para sa lahat.

Thumbnail para sa Mga Makabagong Paraan

Mga Makabagong Paraan

Bawat taon, ang RootsTech ay nakikipagtulungan sa iba’t ibang kumpanya para maipakita ang mga makabagong pamamaraan at teknolohiya na makatutulong sa iyo sa pagtuklas ng iyong family history.

Thumbnail para sa Inspirasyon

Inspirasyon

Ang Family History ay tungkol sa mga kwento. Sa tatlong-araw na event na ito, at sa buong taon, binibigyang-diin namin ang mga personal na kwento na nagbibigay-sigla, nagbibigay-inspirasyon, at nakaaaliw.

Thumbnail para sa Kaugnayan

Kaugnayan

Pagbuo man ng pagkakaibigan sa iba pang mga dumadalo sa RootsTech o pagtuklas sa isang nawawalang kamag-anak, ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao ang pinakalayunin ng RootsTech.

Maikling Impormasyon


  • Ang RootsTech 2025 ay idaraos online at nang personal mula ika-6 hanggang ika-8 ng Marso 2025.
  • Maaari kang dumalo online nang libre at mapanood ito nang libre sa buong taon.
  • Ang Relatives at RootsTech ay magbabalik!

Aming Team

Ang RootsTech team ay isang pandaigdigang pamilya, na nasa iba’t ibang panig ng mundo at nakatuon sa paglikha ng nagbibigay-inspirasyong karanasan para sa lahat. Mula sa mga volunteer at mga event organizer, ang team ay binubuo ng mga indibiduwal na nakatuon sa pagtulong sa iyo na maranasan ang kagalakang nagmumula sa pagtuklas sa iyong pamilya.

North America

Europe

Middle East

Latin America

Africa

Asia & Pacific


Ang FamilySearch International ay isang nonprofit organization na nakatuon sa pagkonekta sa mga pamilya sa maraming henerasyon at naniniwala ito na ang mga pamilya ay naghahatid ng kagalakan at kabuluhan sa buhay. Ang FamilySearch ay nagbibigay ng libreng access sa mga resource at talaan nito sa buong mundo.