Mahahalagang Feature ng Mga Alaala sa FamilySearch

Ang sumusunod na mga feature ay tutulong sa iyo na gumawa ng pamanang koleksyon ng bago at lumang mga retrato, kuwento, dokumento, at audio file.

Alamin ang Kayang Gawin ng mga Topic Tag

Maaaring mabilis na dumami ang koleksyon ng Mga Alaala. Ang isang simpleng paraan para matulungan kang ikategorya at masiyahan sa mga yaman ng inyong pamilya ay gumamit ng mga topic tag.

Mag-assign ng custom tag sa ilang iba’t ibang alaala para madaling mahanap ang mga ito. Isipin ang mga ito bilang shortcut sa mga tema at paksang gusto mo.

Nakapag-share Ka na ba ng Album?

Ang mga album ay magandang paraan para pagsamahin at i-share ang Mga Alaala sa mga bagay na tulad ng mga tao o pangyayari. Ang mga taong nabahaginan mo ay maaaring masiyahan sa iyong mga alaala nang isa-isa o sa isang slideshow.

I-grupo ang Mga Alaala ayon sa mga tao, pamilya, kaganapan, o iba pang kategorya. Magandang paraan ito para makuha ang buong kuwento tungkol sa buhay ng isang ninuno o kapamilya. Ang mga album ay maaaring maglaman ng lahat ng uri ng mga alaala—mga retrato, kuwento, dokumento, at audio file—at maaaring pagsunud-sunurin ayon sa gusto mo.

Mga Shortcut sa mga Paborito Mong Mga Alaala

Ang mga bookmark ay mga link sa mga alaala at album na gusto mong tingnan ulit kalaunan. Ang mga bookmark ay nakatago sa Gallery.

Madaling balikan ang mahahalagang alaala at kahit ang mga album na idinagdag ng iba. Madaling paraan ito para muling tuklasin ang mga retrato at kuwento na mahalaga sa iyo.

Gumawa ng libreng account

Hanapin ang mga Tao gamit ang mga Person Tag

Ang pag-tag ang paraan ng pagtukoy sa mga taong nasa isang alaala. Isang minuto lang ang kailangan, pero kapag na-tag na ito, mas madali na para sa pamilya na maghanap ngayon at sa hinaharap sa Family Tree.

Magklik sa isang retrato, o i-type ang pangalan sa “Sino ang nasa alaalang ito” para magdagdag ng tag. Kapag na-tag mo ang isang tao, idaragdag mo ang alaala sa profile na iyon.

Gumawa ng libreng account