View ng Unang Ninuno
View ng Unang Ninuno
Ano ang View ng Unang Ninuno?
Sa Family Tree, gamitin ang view ng Unang Ninuno upang ipasok at ipakita ang mga genealogy ng angkang Chinese mula sa mga talaang jiapu. Makakatulong din ang view screen na ito para sa mga kulturang nagkakalkula ng tribo, angkan, at iba pang mga kaugnayan ng pamilya gamit ang isang katulad na direktang relasyon sa ama pabalik sa isang iginagalang na ninuno. Para sa iba pang impormasyon, tingnan ang Paano ko magagamit ang view ng Unang Ninuno sa Family Tree?
Ano ang isang aklat ng Chinese genealogy (jiapu)?
Ang jiapu ay isang rekord na nagtatala ng maraming henerasyon ng pamilya na pinangangalagaan ng isang angkang Chinese. Ang genealogy ay karaniwang nagsisimula sa isang paglalarawan sa unang ninuno—kung sino siya, saan siya nakatira, ano ang ginawa niya—at nagpapatuloy sa kanyang mga anak, apo, apo-sa-tuhod, at iba pa.
Maaari ko bang gamitin ang view ng Unang Ninuno kung wala akong mga ninunong Chinese?
Oo. Kahit na wala kang mga ninunong Chinese, puwedeng-puwede kang mag-eksperimento sa view ng Unang Ninuno. Tandaan, gayunpaman, na ang view ng Unang Ninuno ay hindi nilayon na maging isang pangkalahatang tsart ng kaapu-apuhan.
Ang clan path ay kinakalkula gamit ang mga patakaran na bukod-tangi sa Chinese jiapu. Nangangahulugan ito na sinusunod nito ang angkan ng iyong ama upang makalkula ang isang clan path at ipakita ang ugnayan. Ang view na Unang Ninuno ay hindi makakahanap ng clan path sa pagitan mo at ng sinoman sa iba mo pang mga ninuno, maging sa iyong direktang angkan.
Ang clan path ay kinakalkula gamit ang mga patakaran na bukod-tangi sa Chinese jiapu. Nangangahulugan ito na sinusunod nito ang angkan ng iyong ama upang makalkula ang isang clan path at ipakita ang ugnayan. Ang view na Unang Ninuno ay hindi makakahanap ng clan path sa pagitan mo at ng sinoman sa iba mo pang mga ninuno, maging sa iyong direktang angkan.
Ano ang unang ninuno?
Ang unang ninuno ang una at pinagmumulang miyembro ng angkan o pamilya. Ang unang ninuno ay idaragdag sa itaas ng view screen. Pagkatapos ay maaari mong ipakita o idagdag ang kanyang mga inapo pababa sa chart.
Ano ang taong pinagtutuunan?
Ang taong pinagtutuunan ay ang tao na ang mga ninuno ay makikita sa chart. Marahil ay ikaw iyon. Maaari mong ipakita o idagdag ang iyong mga ninuno na paakyat sa chart.
Ano ang clan path?
Sinusunod ng clan path ang angkan ng ama sa pagitan ng taong pinagtutuunan at ng unang ninuno. Makikita ito pagkatapos ipasok ang impormasyon ng lahat ng henerasyon sa pagitan ng unang ninuno at ng taong pinagtutuunan. Makikita mo ito bilang dilaw na highlight sa mga tile ng bawat tao sa landas.
Bakit hindi nakikita ang clan path?
Bilang default, ang dilaw na clan path na ipinapakita sa view ng Unang Ninuno ay sumusunod sa direktang linya ng ama sa pagitan ng unang ninuno sa itaas at ng taong pinagtutuunan sa ibaba.
Kung hindi nakikita ang clan path, marahil ito ay dahil sa isa sa mga kadahilanang ito:
Upang makita kung paano ka nauugnay sa sinumang mga ninuno na wala sa linya ng iyong ama, i-klik ang pangalan ng tao, at pagkatapos ay i-klik ang Tingnan ang Relasyon sa tabi ng sheet.
Kung hindi nakikita ang clan path, marahil ito ay dahil sa isa sa mga kadahilanang ito:
- Ang taong pinagtutuunan ay wala pang unang ninunong pinili sa Family Tree. Kailangan mong idagdag ang unang ninuno sa bawat tao sa isang pamilya, kahit na ang mga taong iyon ay may magkakaparehong unang ninuno.
- Hindi pa nailalagay sa Family Tree ang lahat ng henerasyon sa pagitan ng taong pinagtutuunan at ng unang ninuno.
- Ang relasyon sa pagitan ng taong pinagtutuunan at ng napiling unang ninuno ay hindi patrilineal (wala sa linya ng ama). Para baguhin ang clan path at ipakita ang mga pag-aampon, sundin ang prosesong ito:
- Idagdag ang mga magulang na dapat ay nasa clan path sa Family Tree.
- Piliin ang mga magulang na dapat ay nasa clan path bilang mas piniling mga magulang.
- Idagdag ang unang ninuno sa taong dapat ay nasa angkan.
- Bumalik sa orihinal na taong pinagtutuunan.
Upang makita kung paano ka nauugnay sa sinumang mga ninuno na wala sa linya ng iyong ama, i-klik ang pangalan ng tao, at pagkatapos ay i-klik ang Tingnan ang Relasyon sa tabi ng sheet.
Paano ko babaguhin ang taong pinagtutuunan?
- Sa view ng Unang Ninuno, hanapin ang taong gusto mong gawing taong pinagtutuunan.
- I-klik ang pangalan.
- Sa gilid na panig ng sheet, i-klik ang View Tree.
Binago ko ang taong pinagtutuunan. Paano ko ibabalik ang sarili ko bilang taong pinagtutuunan?
Ang pinakamabilis na paraan para maibalik ang iyong sarili bilang taong pinagtutuunan ay i-klik ang Home.:
.
Paano ako magdaragdag ng unang ninuno sa Family Tree?
Sa unang pagkakataon na pumunta ka sa view ng Unang Ninuno, isang popup ang tutulong sa iyo na idagdag ang iyong unang ninuno. Kung hindi ito makita, gamitin ang isa sa mga opsiyon na ito:
- Tiyakin na ang tamang taong pinagtutuunan ay makikita sa ibaba ng screen.
- Pumili ng isang opsiyon upang idagdag ang unang ninuno:
- Sa itaas kung saan dapat makikita ang pangalan ng unang ninuno, i-klik ang Idagdag ang Unang Ninuno.
- Sa taong pinagtutuunan, i-klik ang +, at iklik ang Idagdag ang Unang Ninuno.
- I-klik ang button ng Mga Opsyon at i-klik ang Idagdag ang Unang Ninuno. Kung ang tao ay mayroon nang unang ninuno, i-klik ang Dagdag Pa. Pagkatapos ay i-klik ang Idagdag ang Unang Ninuno.
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Tulong sa Genealogy ng mga Chinese
Ang FamilySearch ay nagbibigay ng ilang mga resource sa wikang Ingles na makatutulong sa inyong Chinese genealogy.
Maghanap ng mga artikulo sa wikang Ingles na nagpapaliwanag kung paano gawin ang pagsasaliksik ng genealogy ng mga Chinese.
Magtanong at tumanggap ng mga sagot mula sa mga eksperto sa FamilySearch Chinese Genealogy Research group.
Alamin kung paano gamitin ang mga aklat ng Chinese genealogy (jiapu) mula sa mga ekspertong nagturo sa RootsTech.
Nakatulong ba ito?