Sa Family Tree, gamitin ang view na Unang Ninuno upang idagdag at ipakita ang mga Chinese clan genealogies ng mga pamilya mula sa mga jiapu na tala. Ang view screen na ito ay kapaki-pakinabang din para sa mga kultura na kinakalkula ang mga ugnayan ng tribo, pamilya, at iba pang mga ugnayan ng pamilya gamit ang katulad ng direkta at ugnayang paternal.
Ito ay may tatlong pangunahing bahagi, na naiiba sa lahat ng iba pang mga view screen sa Family Tree:
- Unang Ninuno. Ang unang ninuno ang una at pinagmumulang miyembro ng clan o pamilya. Ang unang ninuno ay idaragdag sa itaas ng view screen. Pagkatapos ay maaari mong ipakita o idagdag ang kanyang mga inapo pababa sa tsart.
- Taong pinagtutuunan. Ang taong pinagtutuunan ay ang tao na ang mga ninuno ay makikita sa tsart. Marahil ay ikaw iyon. Maaari mong ipakita o idagdag ang iyong mga ninuno na paakyat sa tsart.
- Clan path. Sinusunod ng clan path ang salinlahi ng ama sa pagitan ng taong pinagtutuunan at ng unang ninuno. Makikita ito pagkatapos ibigay ang datos ng lahat ng henerasyon sa pagitan ng unang ninuno at ng taong pinagtutuunan. Makikita mo ito bilang dilaw na highlight sa mga tile ng bawat tao sa landas.
Mga Hakbang (website)
- Sa itaas na menu, iklik ang Family Tree, at pagkatapos ay iklik ang Puno.
- Sa bandang kanang itaas ng pedigree view, iklik ang kasalukuyang paraan ng pagbabasa (Fan Chart, halimbawa), pagkatapos ay Unang Ninuno.
- Narito ang ilang mga katangian na maaari mong gamitin:
- Iklik ang pangalan ng tao sa puno. Ang mga detalye ng taong iyon ay lilitaw sa isang panel sa kanan.
- Awtomatikong ginagawa ng tree na ikaw ang taong pinagtutuunan. Upang pumili ng bagong taong pinagtutuunan, iklik ang pangalan ng ibang tao, at pagkatapos, sa kanilang panel ng detalye, iklik ang View Tree o Tingnan ang Puno.
- Upang idagdag ang unang ninuno, iklik ang icon na “+” sa itaas ng larawan ng taong pinagtutuunan. Pagkatapos ay iklik ang Idagdag ang Unang Ninuno. Maaari kang magdagdag ng mga unang ninuno ayon sa pangalan o ID number.
- Upang makita ang mga anak ng isang mag-asawa, iklik ang
.
- Upang makita ang mga magulang ng isang tao, iklik ang
- Upang makita ang ibang asawa para sa isang tao sa tree, iklik ang [icon ng asawa] sa itaas na kaliwa o kanan ng kanilang tile.
- Kung ang isang tao'y mayroong maraming mga magulang sa system, makikita mo ang arrow na nakaturo sa kaliwa ng kahon ng mag-asawa para sa mga magulang. Iklik ang arrow upang makita ang lahat ng mga magulang para sa tao.
- Upang mailipat ang tree o puno sa paligid ng screen, iklik ang likuran ng puno, at i-drag ito.
- Upang mapalaki o kaya ay mapaliit ang tree o puno, sa kaliwa sa itaas, iklik ang Plus ( + ) o kaya ay Minus ( - ).
- Upang maibalik ang pedigree sa iyong sarili, magagamit mo ang isa mga opsiyon na ito:
- Upang isara ang iyong pinalawak na mga hanay at ibalik sa iyong sarili, iklik ang
.
- Upang mapanatiling bukas ang lahat ng pinalawak na linya at bumalik sa taong nagsimula, iklik ang
- Upang isara ang iyong pinalawak na mga hanay at ibalik sa iyong sarili, iklik ang
Kaugnay na mga artikulo
Sino ang dapat gumamit ng view na Unang Ninuno?
Paano ko papalitan ang mga asawa at magulang sa view na Unang Ninuno ng Family Tree?
Paano ko ipapakita ang ibang unang ninuno sa Family Tree?
Paano ko idaragdag ang aking unang ninuno sa Family Tree?
Sa Family Tree, ano ang clan path?
Paano ko iwawasto ang clan path sa Family Tree?