Ang family groups feature ay na-update para hayaang magkatulungan ang iyong pamilya sa isang family group tree.
Ano ang nananatiling magkatulad
Ang mga grupo ay kailangan pa rin ng mga administrator
Inirerekomenda namin na bawat grupo ay may hindi kukulangin sa 2 hanggang 3 administrator, na gumaganap sa mahahalagang tungkulin sa kanilang grupo:
- Magsilbing mga helper ng grupo.
- Magbigay ng karapatan na mamahala sa iba.
- I-manage ang pagiging miyembro ng grupo.
- I-turn on ang mga opsiyon para sa grupo.
- Itakda ang mga detalye ng grupo (larawan, pangalan, paglalarawan, code of conduct).
- Gumawa ng paunang family group tree (kung nais).
Group chat
Ang mga miyembro ng grupo ay maaari pa ring magtulungan sa isang group chat.
Ano ang bago o naiiba
Mga family group tree
Ang mga grupo ay maaari na ngayong mag-share ng isang family group tree, na nagtutulot sa kanila na mag-share ng isang tree na kinaroroonan ng mga miyembro ng kanilang pamilya na buhay pa.
Pumili ng gusto mong tree
Maaari ka na ngayong pumili ng gusto mong tree. Ang tree na ito ang karaniwang lumilitaw kapag binuksan mo ang Family Tree at ginagamit kapag kinakalkula ang mga relasyon sa pagitan mo at ng isang tao sa Family Tree o isa pang user.
Proseso ng pag-anyaya
Ang proseso ng pag-anyaya sa mga miyembro ng grupo ay halos katulad ng dati. Ang tanging binago ay na kung ang isang family group ay may isang family group tree, kailangan ay nasa tree muna ang lahat ng sumasali sa grupo.
Sa panahon ng maagang pagsubok na mag-access, nag-eksperimento kami sa paghiling sa mga administrator na magpadala sa bawat bagong miyembro ng grupo ng isang natatanging invitation link. Nakatanggap kami ng feedback na lubhang kumplikado ito at ibinalik ito sa orihinal na proseso.
Family feed
Ang isang bagong family feed ay nagtutulot sa iyo na mag-post ng mga mensahe para sa grupo.
Alamin ang iba pa
Para sa tulong na makapagsimula, bisitahin ang Family Group Tree Learning Center para makahanap ng kapaki-pakinabang na mga video, madalas itanong, at artikulo.