Paano ko tatanggalin ang mga pagkukunan sa aking kahon ng pagkukunan ?

Maaari mong tanggalin ang mga pagkukunan sa iyong kahon ng pagkukunan kapag natapos ka sa pagkakabit ng mga ito sa mga pahina ng tao ng iyong ninuno. Ang paggawa nito ay makapag-pigil ng iyong kahon ng pagkukunan na maging napakalaki at mahirap na pamahalaan.

Mga Hakbang (website)

  1. Habang nakalagda sa FamilySearch.org, sa tuktok ng kanang bahagi ng tabing, pindutin ang iyong pangalan.
  2. Pindutin ang Kahon ng Pagkukunan.
  3. Pindutin ang kahon ng tsek sa tabi ng bawat pagkukunan na gusto mong matanggal. Maaari mo ring pindutin ang tuktok na kahon sa kaliwa ng Lumikha ng Pagkukunan na buton at tanggalin ang lahat ng mga pagkukunan.
  4. Sa tuktok ng listahan ng mga pagkukunan, pindutin ang Tanggalin.
  5. Pindutin ang Oo.

Mga Hakbang (mobile app)

Sa kasalukuyan, ang Family Tree at Mga Memorya na mobile app ay kulang ng katangiang kahon ng pagkukunan. Pamahalaan ang iyong kahon ng pagkukunan sa FamilySearch.org.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Sa kasalukuyan, ang Family Tree Lite ay kulang ng katangiang kahon ng pagkukunan. Pamahalaan ang iyong kahon ng pagkukunan sa FamilySearch.org.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko idadagdag ang talang pangkasaysayan sa aking kahon ng pagkukunan?
Paano ko isusulat ang pagkukunan sa aking kahon ng pagkukunan?
Paano ko hahanapin ang aking kahon ng pagkukunan?u

Nakatulong ba ito?