Maaari mong tanggalin ang mga salansan na GEDCOM na ibinigay mo sa Pedigree Resource File. Ang Pedigree Resource File ay ang koleksyon ng mga file na GEDCOM na isinumite ng gumagamit na magagamit sa seksyon ng Genealogies ng website ng FamilySearch.
Mga Hakbang (website)
- Lumagda sa FamilySearch.
- Sa tuktok ng pahina, pindutin ang Magsaliksik.
- Pindutin ang Mga Angkan.
- Mag-balumbon sa ibaba ng pahina.
- Pindutin ang Ilagay ang Inyong Kani-kaniyang Puno.
- Sa Aking Inilagay na Mga Puno, hanapin ang salansan.
- Pindutin ang pananda na basurahan sa tabi ng salansan.
- Pindutin ang OK.
Mga Hakbang (mobile app)
Pamahalaan ang iyong mga file sa website.
Mga Kinalabasan
Ang GEDCOM file ay naglaho sa iyong listahan ng inilagay na mga puno. Sa sandaling matapos ang pagproseso, hindi magagamit ang impormasyon sa FamilySearch.
- Ang mga talang inilipat mo sa Family Tree ay mananatili sa puno.
- Ang Pedigree Resource File ay umiral ng maraming taon, at ang mga datos ay inilathala sa ilang mga paraan. Kung isinumite mo ang GEDCOM file na ito ilang taon na ang nakalilipas, alamin ang mga puntong ito:
- Ang Pedigree Resource File ay inilathala sa siksik na disk nang mahigit pa sa sampung taon. Maaaring tanggalin ng kaparaanan ang isang salansan sa online na Pedigree Resource File. Hindi namin maaaring tanggalin ito sa mga siksik na disk.
- Ang ilan sa kabatiran sa Pedigree Resource File ay ginamit upang lumikha ng database na ginamit ng FamilySearch Family Tree websites.Ang mga datos ay naka-imbak sa hiwalay na opisyal na Pedigree Resource File. Kung tinanggal mo ang GEDCOM file, ito ay tinanggal sa Pedigree Resource File online. Ang mga datos ay mananatili sa FamilySearch Family Tree.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ko maghahanap sa Pedigree Resource File at iba pang mga genealogies
? Paano ko mai-upload ang aking GEDC
OM file? Ano ang Pedigree Resource File?