Paano ko gagamitin ang Place Research Tool sa aking family history research?

Share

Ang FamilySearch Place Research Tool ay makakatulong sa iyong mahanap ang wastong baybay ng mga lugar, mahanap kung ang mga lugar sa iyong family history ay umiiral pa, at matiyak ang kahaliling mga baybay upang matulungan ka sa iyong pananaliksik. Ang kagamitan ay nagbibigay daan sa pamantayang kabatiran tungkol sa mga lugar. Ang kagamitan ay nag-uugnay din sa ibang mga lugar na matatagpuan mo ang kabatiran tungkol sa lugar, pati ang mga lathalain sa FamilySearch Research Wiki.

Ang Place Research tool ay ginagamit ang parehong pamantayan ng lugar na ginagamit sa lahat ng mga produkto at serbsiyo ng FamilySearch, kasama ang Family Tree.

Mga Hakbang (website)

  • Magpunta sa www.familysearch.org/research/places, at lumagda
  • Sa kaliwa, ilagay ang lugar sa search box, at idiin ang Enter sa iyong keyboard. (Kung gusto mong paigsihin ang mga reulta ng iyong saliksik, pindutin ang Magpakita Pa ng Maraming Pamilian.)
  • Sa mga resulta ng saliksik, pindutin ang pangalan ng lugar.
  • Sa kanan, makikita mo ang map pin na nagmamarka sa lugar.
  • Sa ilalim ng mapa ay kabatiran tungkol sa lugar.
    • Batayang kabatiran
    • Kabatirang pangkasaysayan
    • Mga links sa pananaliksik
    • Kahaliling mga Pangalan
    • Mga Pagpapatunay

Magmungkahi ng bagong lugar

Kung hindi makahanap ang kaparaanan ng lugar sa iyong saliksik, maaari kang magmungkahi ng bagong lugar.

  1. Sa pangunahing pahina, sa ibabaw ng kahon ng pananaliksik, pindutin ang Magmungkahi ng bagong lugar.
  2. Pumindot sa bilog upang pumili ng kategoriya para sa lugar.
  3. I-click Susunod.
  4. Ilagay ang pangalan ng lugar at pindutin ang Susunod.
  5. Pindutin ang Lumikha ng Lugar.
  6. Magdagdag ng mga detalye at pindutin ang Submit.

Pagbutihin ang lugar na ito

Maaari kang magbigay ng karagdagang kabatiran upang mapabuti ang kabatiran tungkol sa lugar.

  1. Magsaliksik at pindutin upang makita ang kabatiran tungkol sa lugar.
  2. Sa iababa ng mapa at sa kanan ng pangalan ng lugar, pindutin ang Pagbutihin ang lugar na ito.
  3. Punan ang form na Magmungkahi ng Pagpapabuti at pindutin ang Submit.

Mga Hakbang(mobil)

Ang Place Research Tool ay wala sa mobile app. Sa mobile device, buksan ang browser, at gamitin ang website doon.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Ang Place Research Tool ay wala sa Family Tree Lite.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko ilalagay ang mga petsa at mga lugar sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?