Ang suporta ng FamilySearch para sa Personal Ancestral File (PAF) na mga datos at ganun din sa software bilang PAF Companion ay nagwakas noong Hulyo 15, 2013. Hindi na kami nagbibigay ng mga produktong ito bilang pagkuha o ibigay ang mga ito na ipagbili sa CD. Humihingi kami ng paumanhin para sa anumang abala na maaaring sanhi nito.
Ang aming mga ikatlong-partidong kasosyo sa suskrisyon ay mag-aalok ng kahaliling software. Maaari kang humanap ng mga pagpipilian sa aming Galeriya ng mga Kalutasan. Ang mga produktong ito ng pangatlong partido ay maaaring kasabay sa FamilySearch FamilyTree at papayagan kang mag-angkat ng iyong PAF na mga datos.
Samantalang hindi mo mailagay ang PAF na mga datos ng tuwiran sa FamilySearch FamilyTree, maaari ka pa ring lumikha ng salansan na GEDCOM ng iyong PAF na mga datos sa pamamagitan nitong mga produkto ng pangatlong partido. Makukuha rin ang mga ito nang libre sa halos lahat ng aming mga sentro ng FamilySearch.
Bilang kabahagi nitong pagbabago, hindi na kami nagbibigay ng tulong sa mga gumagamit din ng produktong ito. Para sa karagdagang kabatiran tungkol sa pagtigil sa PAF, tingnan ang balitang anunsiyo sa FamilySearch Blog.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ako hahanap ng mga produkto ng pangatlong partidong kumpanya ng kasosyo?
Paano ko kopyahin ang kabatiran mula sa aking salansan na GEDCOM sa FamilyTree?