Paano ko ibabalik ang mga tinanggal na pagkukunan para sa isang kaugnayan sa FamilyTree?

Share

Sinusubaybayan ng Family Tree ang mga pagbabago sa isang pamagat ng pagkukunan, pahinang web (URL), sipi, o mga paalaala. Maaaring baguhin ng isang tao ang isang pagkukunan na nakakabit sa isang kaugnayan. Kung hindi ka sumang-ayon sa pagbabago, muling suriin ang mga kamakailan na pagbabago. Kung kinakailangan, ibalik ang isang nakaraang sipi ng pagkukunan, kung magagamit. Maaari mong tanggalin ang mga pagbabago sa anumang pagkukunan, kahit na sino ang lumikha ng pagkukunan o gumawa ng pagbabago. Gayunpaman, kung ihiwalay mo ang isang pagkukunan na orihinal mong ikinabit sa tao, tinanggal ang pagkukunan, at hindi magagamit ang buton ng pagpapanumbalik. Ang mga mapagkukunan na nakalakip ng ibang tao ay maaaring maibalik.

Mga Hakbang (website)

  1. Habang nakalagda sa FamilySearch.org, pindutin ang Family Tree.
  2. Humanap ng isang taong isinama sa pagbabago ng kaugnayan at pindutin ang pangalan ng tao.
  3. Sa mga detalyeng lumalabas, pindutin muli ang pangalan ng tao.
  4. Pindutin ang markang Mga Detalye.
  5. Mag-balumbon sa bahaging Mga Kasapi ng Mag-anak.
  6. Pindutin ang markang ayusin (mukhang isang lapis) sa tabi ng pag-aasawa kung ang pagkukunan ay nakakabit sa pag-aasawa.Kung ang pagkukunan ay nakakabit sa magulang-anak na kaugnayan, pindutin ang markang ayusin sa tabi ng pangalan ng anak.
  7. Pindutin ang Tingnan ang Lahat ng Mga Pagbabago.
  8. Mag-balumbon hanggang makita mo ang bagay na nasa listahan na may tatak na Nakakabit ang Pagkukunan para sa pagkukunan na gusto mong muling ikabit.
  9. Pindutin ang Ibalik.
  10. Repasuhin ang kabatiran, saka pindutin ang Ibalik.

Mga Hakbang (mobile app)

  1. Sa Family Tree mobile app, humanap ng isang taong isinama sa pagbabago ng kaugnayan at pindutin ang pangalan.
  2. Pindutin ang tatlong tuldok sa kanang tuktok ng tabing.
  3. Pindutin ang Kamakailan na mga Pagbabago. (Para sa Apple iOS, pindutin ang Marami Pa, saka Kamakailan na Mga Pagbabago.)
  4. Hanapin ang siping pagkukunan na sa tingin mo ay tama. Pindutin ang Ibalik.
  5. Repasuhin ang kabatiran, saka pindutin ang ibalik.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko maibabalik ang mga mapagkukunan na inalis mula sa Family Tree?
Paano ko makikita kung anong mga pagbabago ang ginawa tungkol sa isang tao sa Family Tree?
Paano ko ilipat ang mga mapagkukunan sa ibang tao sa Family Tree?

Nakatulong ba ito?