Pamamahala ng mga Pop-Up sa COMMON BROWSERS.
Para sa karagdagang kabatiran tungkol sa pamamahala ng mga pop-up blocker, ang paghahanap sa internet ay maaaring magbigay ng mga kasagutan na kailangan mo.
Microsoft EDGE
- Dalawin ang tulong na pahina para sa mga alituntunin tungkol sa pamamahala ng mga pop-up sa Microsoft Edge.
Firefox (Mozilla)
- Dalawin ang tulong na pahina para sa mga alituntunin tungkol sa pamamahala ng mga pop-up sa Firefox.
Google Chrome
- Dalawin ang tulong na pahina para sa mga alituntunin tungkol sa pamamahala ng mga pop-up sa Google Chrome.
Safari para sa mga Mac kompyuter (Safari para sa Windows ay hindi itinataguyod)
- Mula sa Safari Menu Bar, pindutin ang Safari button.
- Pindutin ang Mga Kagustuhan
- Sa tuktok, pindutin ang Mga website.
- Sa ilalim ng Panlahat, pindutin ang Pop-up na Windows
- Upang payagan ang mga pop-up, pindutin ang kahon sunod sa Kapag dumadalaw sa ibang mga website.
- Piliin ang Payagan o Pigilan at Mag-patalastas
Para sa kabatiran sa mga browser na sinusuportahan ng FamilySearch, tingnan ang Aling mga internet browser ang tugma?
Paalaala:
- Hindi na sinusuportahan ng FamilySearch ang anumang bersyon ng Internet Explorer.
- Kung hindi ka gumagamit ng toolbar, ang pinakamagandang pagpipilian ay ang tanggalin ito. Pindutin ang Magsimula, pagkatapos Control Panel , at pagkatapos Magdagdag o Mag-alis ng Mga Programa. Piliin ang toolbar mula sa listahan, at alisin ito.
- Kung hindi ka sigurado kung mayroon kang nailagay na pop-up blocker, isang paraan upang subukan ay mag-layag sa http://www.popuptest.com at pindutin ang Multi Pop-Up Test . Sampung pop-up window ang magbubukas. Kung hindi magbubukas ang mga bintana, maaaring mayroong humarang sa mga pop-up o isang isyu sa Java.