Paano ko papalitan ang aking username o password?

Maaari mong palitan ang iyong username at password ng FamilySearch sa iyong mga kaayusan.

Mga Hakbang (website)

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa kanang sulok sa itaas, pindutin ang iyong pangalan.
  3. Pindutin ang Mga Kaayusan.
  4. Pindutin ang Kuwenta.
  5. Upang palitan ang iyong password, pindutin ang Palitan ang Aking Password. Ilagay ang iyong kasalukuyang password, pagkatapos ay ilagay ang iyong bagong password, at pagkatapos ay pindutin ang Ipunin.
  6. Upang palitan ang iyong username, pindutin ang Palitan kasunod ng Password at Pagbawi. Ilagay ang iyong bagong username at pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (mobile Mga Memorya o Puno na app)

Maaari mong palitan ang iyong password. Upang palitan ang iyong username, gamitin ang website.

Apple iOS

  1. Sa kanang ibabang bahagi, pindutin ang markang 3 guhit (menu).
  2. Pindutin ang Mga Kaayusan.
  3. Pindutin ang Kuwenta.
  4. Pindutin ang Palitan ang Password.
  5. Ilagay ang iyong kasalukuyang password at pagkatapos ang iyong bagong password.
  6. Pindutin ang Ipunin.

Android

  1. Sa kaliwang itaas, i-tappindutin ang markang 3 guhit (menu).
  2. Pindutin ang Mga Kaayusan.
  3. Pindutin ang Kuwenta.
  4. Pindutin ang Palitan ang Password.
  5. Ilagay ang iyong kasalukuyang password at pagkatapos ay ilagay ang isang bagong password.
  6. Pindutin ang Ipunin.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Mangyaring gamitin ang FamilySearch website upang mapalitan mo ang iyong pangalan, password, lantad na pangalan, at katulong na bilang.

Pagkuha ng tulong

Mangyaring kontakin ang Suporta ng FamilySearch kung kailangan mo ng tulong. Gayunpaman, tandaan na ang mga pagpapalit ay maaaring tumagal ng hanggang 48 oras upang makita sa tabing.

Magkakaugnay na mga lathalain

Nakalimutan ko ang aking FamilySearch password o username
Ano-ano ang mga patakaran para sa aking username at password?

moduleTitle