Kapag pinagsasama mo ang dalawang tala sa isa, ang mga memorya na nakakabit sa mga tala ay magsasama rin.
- Ang bilang ng ID ng tinanggal na tala ay hindi na nakakabit sa pananda.
- Ang mga larawan, mga kuwento, mga kasulatan, at mga salansan na pandinig ay kusang kinokopya sa natitirang tala sa isang pagsasama. Suriin ang bawat may markang bagay na idinagdag mo sa Mga Memorya. Tiyakin na ang lahat ng mga bagay ay nakakabit sa bilang ng ID.
- Kung ang markang Mga Memorya para sa isang tao ay walang laman o nawawala ang larawan, muling ilakip ang marka sa kasalukuyang ID.
- Hindi mo kailangan na muling ikabit ang lahat ng nakaraang mga bagay na ikinabit sa isang tao. Muling ikabit ang marka sa bilang ng ID ng isang tao para sa isang bagay na nasa Mga Memorya, at lahat ng bagay na kaugnay sa muling ikinabit na marka.
- Pagkatapos ng pagsasama, ang kapuwa bago at lumang mga bilang ng ID ay nagpapakita sa album para sa tao sa Mga Memorya. Ang lumang bilang ay nagpapakita sa kanan ng kaugnay na pangalan. Ang bagong bilang ay nagpapakita sa tarheta ng tao kapag pindutin mo ang pangalan. Pindutin ang Tanggalin ang Ugnay sa ilalim ng tarheta, at iugnay ang mga ito sa bagong ID.
- Kung mag-ambag ang ibang mga tao para sa iyong ninuno, hindi ugnay ang mga ito sa iyong mga ambag. Ang isang ninuno ay maaaring nasa higit sa isang album sa bahaging Mga Tao ng Mga Memorya.
- Ang prosesong pagsasama ay hindi nagbabago kung ang isang memorya ay publiko o pansarili. Ang pansariling memorya ay lumilipat sa taong buhay. Ipinapakita ng log ng pagbabago na ang isang pansariling memorya ay nakakabit bilang kabahagi ng pagsasama.
Magkakaugnay na mga lathalain
Paano ako magpapasya kung ang dalawang tala sa Family Tree ay tungkol sa parehong tao?
Paano ko tatanggalin ang isang pagsasama sa Family Tree?