Ilan sa mga digitized microfilms at mga koleksyon ay hindi na-indeks ng buo.

Hindi lahat ng mga pelikula ay na-indeks ng buo, kaya ang isang digitized film na nakita mo sa katalogo ay maaaring naglalaman ng kapuwa na-indeks at hindi na-indeks na kabatiran. Hindi matiyak ng kaparaanan kung ang isang pelikula ay na-indeks ng buo. Kung na-indeks ang anumang bahagi ng pelikula, lahat ng mga bagay sa pelikula, kabilang ang mga bagay na hindi pa na-indeks, ay nagpapakita ng marka na magnifying glass.

Katulad nito, kapag tiningnan mo ang listahan ng mga koleksyon ng tala, ang ilang mga koleksyon ay may mga bahagyang indeks lamang. Kapag pinindot mo ang pamagat, karaniwang makikita mo ang kabatiran sa tuktok ng pahinang nagpapaliwanag kung ang indeks ng koleksyon ay hindi kompleto.

Kapag pinindot mo ang markang magnifying glass , mahahanap mo lang ang na-indeks na bahagi ng isang pelikula o koleksyon.

Kapag pinindot mo ang markang magnifying glass at hindi makita ang kabatirang kailangan mo, narito ang ilang pagpipilian na subukan:

  • Suriin upang makita kung ang ibang mga family history websites ay mayroong indekses o digital na mga larawan para sa koleksyon. Kung wala kang mga kuwenta para sa iba pang mga website, maraming website ang magagamit sa aming mga sentro ng FamilySearch.
  • Kung ang bagay ay nagpapakita rin ng isang markang kamera, pindutin ito upang magbasa-basa ang pelikula o koleksyon ng mga larawan sa online.

Magkakaugnay na mga lathalain

Saan ko hahanapin ang isang sentro ng kasaysayan ng mag-anak?

moduleTitle