Ano ang kahulugan ng iba’t ibang icon at status sa templo?

Share

Sa Family Tree, ang iba’t ibang icon ay kumakatawan sa status ng mga ordenansa sa templo ng isang tao.

IconKahulugan

Family Tree Temple Icon 120-Day Reservation
Ang mga ordenansa ay nai-share sa templo o kaya’y nai-share sa isang family group na kinabibilangan mo. Maaari mong ireserba ang mga ordenansang ito, at pagkatapos ay mayroon kang 120 araw para kumpletuhin ang mga ito.

Family Tree Temple Icon 2-Year Reservation

Ang tao ay may relasyon (kamag-anak mo) sa iyo, at maaaring hilingin ang isang ordenansa. Mayroon kang 2 taon para kumpletuhin ang mga ordenansa.

Kung ipinanganak ang tao sa loob ng nakaraang 110 taon, kailangan mong humingi ng pahintulot ng isang malapit na buhay na kamag-anak bago isagawa ang ordenansa. Isaalang-alang lamang ang damdamin ng iba. Mayroon bang ibang taong mas malapit ang relasyon kaysa sa iyo na makagagawa ng gawaing ito? Marahil ay maaari mo siyang anyayahang lumahok.

Family Tree Temple Icon--Reserved

Nakareserba na ang ordenansa. Ang icon ay sinusundan ng isang maikling tag na may iba pang impormasyon:

Hindi Nai-print. Nakareserba na, pero hindi pa nai-print ang name card. Maaari mong subukang kontakin ang taong humiling ng ordenansa at hilingin na i-share niya iyon sa iyo.

Nai-print. Isang family name card ang nai-print para sa partikular na ordenansang ito. Kung magpapasiya kang i-share ang ordenansa, sirain lamang ang family name card. Ang pagsira sa mga card ay hahadlangan na maulit ang ordenansa.

Nai-share. Inireserba mo ang ordenansang ito pero pagkatapos ay nai-share mo ito sa ibang tao o marahil ay sa templo. Maaari mong i-unshare ang ordenansa maliban sa kung nai-print na ng templo ang name card o may ibang nagreserba nito.

Naghihintay. Isagawa ang mga ordenansa sa templo sa tamang pagkakasunud-sunod. Ang ibig sabihin ng In Progress ay kailangang makumpleto ang iba pang mga ordenansa sa templo bago mo maisagawa ang ordenansang gusto mong gawin.

Family Tree Temple Icon--Needs More Information

Ang mga ordenansang ito ay hindi available. Sa tabi ng icon, maghanap ng isang maikling tag na nagpapaliwanag na:

Kailangan ng Iba pang Impormasyon. May nawawalang impormasyon. Kailangang idagdag o itama ang impormasyon sa talaan ng taong ito bago maisagawa ang ordenansa.

Hindi pa Handa. Ang taong tinutukoy ay wala pang 30 araw na namatay. Hindi pa maisasagawa ang mga ordenansa sa templo.

Family Tree Temple Icon--Completed
Nakumpleto na o hindi kailangan ang ordenansa.
Family Tree Temple Icon--Not Related

Hindi available ang status ng ordenansa ng tao, o wala kang relasyon sa tao.

Sa ilang sitwasyon, nabuhay ang ninuno bago sumapit ang A.D. 200. O isang patakaran sa privacy ang humahadlang sa FamilySearch na ipakita ang impormasyon. Para sa pagbubuklod sa templo, marahil ay kulang ang ninuno ng asawa o magulang na nakalista sa Family Tree, o buhay pa ang asawa.

Kaugnay na mga artikulo

Paano ako hihiling ng mga ordenansa para sa isang ninunong ipinanganak sa nakaraang 110 taon?
Paano ako magse-share ng mga family name sa templo?
Paano ako magse-share ng aking mga family name sa pamilya at mga kaibigan sa email?
Sa anong mga sitwasyon itinuturing ang isang bata na “isinilang sa tipan” (born in the covenant o BIC)?
Ano ang ibig sabihin ng status ng ordenansa na “Hindi pa Handa”?
Sa Family Tree, ano ang ibig sabihin ng “Kailangan ng iba pang impormasyon” ?
Gawain sa templo para sa isang batang patay nang isilang

Nakatulong ba ito?