Kapag nagreserba ka ng mga ordenansa para sa iyong mga ninuno, maaari kang makakita ng isang mensahe ng babala na may nakasaad na, “Kailangan ng Pahintulot.” Ang ibig sabihin ng mensahe ay ipinanganak ang ninuno sa loob ng nakaraang 110 taon. Kailangan mo ng pahintulot mula sa isang malapit na buhay na kamag-anak bago mo maireserba ang pangalan para sa gawain sa templo. Tinatanggap ang pahintulot kahit hindi ito nakasulat.
Ang isang malapit na buhay na kamag-anak ay isang asawang hindi diniborsyo, isang adult na anak, isang magulang, o isang kapatid.
Ang FamilySearch ang namamahala sa mga kahilingan para sa mga step relationship (gaya ng step children o step parents) depende sa sitwasyon.
Kung walang malapit na buhay na mga kamag-anak para magbigay ng pahintulot, maaari ka pa ring humingi ng pahintulot na gawin ang mga ordenansa. Magbigay lamang ng katibayan na walang malapit na buhay na mga kamag-anak.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paksang ito, kumonsulta lamang sa hanbuk ng Simbahan na Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 28.1.
Maaaring hilingin ng mga apo ang mga ordenansa para sa kanilang yumaong mga lolo’t lola. Kailangan pa rin ng mga apo ng pahintulot mula sa isang malapit na buhay na kamag-anak. Hindi pinupunan ng mga apo ang form ng pahintulot.
Bago ka magsimula
- Para humiling ng pahintulot, kailangan mo ang email address at phone number ng malapit na buhay na kamag-anak na nagbigay sa iyo ng pahintulot.
- Tiyakin na ang taong nagbigay ng pahintulot ay lumilitaw sa Family Tree bilang isang malapit na buhay na kamag-anak ng taong yumao.
- Kung walang malapit na buhay na mga kamag-anak, tiyakin na ang Family Tree ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa kanilang kamatayan. Maglakip ng mga pinagkunan bilang katibayan.
Mga hakbang (website)
- Sa Family Tree sa FamilySearch.org website, mag-navigate sa person page ng kamag-anak na gusto mong hilingin na magawan ng mga ordenansa.
- Sa person page, isang series ng mga tab ang lumilitaw sa ilalim mismo ng pangalan ng kamag-anak. I-klik ang Mga Ordenansa.
- I-klik ang Kahilingan (Kailangan ng Pahintulot).
- Sa box na Kailangan ng Pahintulot, i-klik ang May Pahintulot Ako.
- Sagutin ang tanong na, “Buhay ba ang asawa?”
- Punan ang impormasyon, at i-klik ang Isumite.
- Ipapaalam sa iyo ng isang mensahe na naisumite mo ang kahilingan.
Mga hakbang (mobile app)
- Sa Family Tree mobile app, mag-navigate sa person page ng kamag-anak na gusto mong hilinging magawan ng mga ordenansa.
- Sa ilalim ng name banner, i-tap ang Mga Ordenansa.
- I-tap ang Kahilingan para sa Pahintulot.
- Sa ilalim ng pahayag ng patakaran, ipasok ang iyong email address at phone number.
- Ipasok ang relasyon mo sa taong ito, pati na ang iyong dahilan para sa kahilingan.
- Ipasok ang pangalan ng taong nagbigay sa iyo ng pahintulot.
- Tukuyin ang relasyon ng taong nagbigay ng pahintulot at ng yumaong kamag-anak.
- Ipasok ang contact information ng taong nagbigay ng pahintulot.
- Sa kanang bahagi sa itaas ng screen, i-tap ang Isumite.
Mga Hakbang (Family Tree Lite)
Hindi ka makakahingi ng pahintulot sa Family Tree Lite.
Kapag tapos ka na
May matatanggap kang email tungkol sa iyong kahilingan anuman ang desisyon. Ang FamilySearch Support ay nagsisikap na sumagot nang mabilis. Tiyaking tingnan ang iyong junk mail folder kapag hinanap mo ang email na ito.
- Ang FamilySearch ang nag-aapruba sa iyong kahilingan. Awtomatikong idaragdag ng system ang family name sa iyong listahan ng family name. Mula roon, maaari mong i-print ang family name card. Kung hindi lumitaw ang pangalan sa iyong listahan ng family name, sumagot sa approval email na natanggap mo.
- Nangangailangan ng dagdag na impormasyon ang iyong kahilingan. Tumugon lamang at ibigay ang impormasyon.
- Tinanggihan ng FamilySearch ang iyong kahilingan. Hindi mo maaaring ulitin ang proseso ng paghiling. Sa halip, maaari kang tumugon sa email na natanggap mo.
Kaugnay na mga artikulo
Wala akong makitang sinumang malapit na buhay na mga kamag-anak na magbibigay ng pahintulot para sa mga ordenansa
Kailangan ko ba ng pahintulot mula sa pinakamalapit na buhay na kamag-anak para maisagawa ang mga ordenansa sa templo?
Maaari ba akong humiling ng mga proxy temple ordinance para sa isang kaibigan?
Mga indibidwal na maaari kong hilingan na magawan ng mga ordenansa sa templo
Pagsasagawa ng gawain sa templo para sa mga taong walang relasyon sa akin