Bakit ang buhay na tao sa Family Tree ay mayroong maraming mga taga- ambag ?

Share

Sa Family Tree, ang taong buhay ay karaniwang mayroong isang taga-ambag: ikaw. Mayroong tatlong mga dahilan kung bakit ang taong buhay ay maaaring magkaroon ng maraming taga-ambag. Upang malaman kung ano ang nangyari, tingnan ang listahan ng Pinakahuling mga Pagbabago ng buhay na tao.

Ang FamilySearch ay binago ang kabatiran

Kung ang listahan ng Pinakahuling mga Pagbabago ay nagpapakita sa iyo at ang FamilySearch bilang mga taga-ambag, ito ay nangangahulugan na ang FamilySearch ang gumawa ng pagbabago. Halimbawa, Ang FamilySearch ay maaaring mayroong pamantayan ng lugar at petsa.

Minsan, ang Puno ng Mag-anak ay nagsasabing ang tao ay mayroong tatlo o mahigit pang mga taga-ambag. Ang listahan ng Pinakahuling mga Pagbabago ay nagpapakita lamang sa iyo at ang FamilySearch. Nangyayari ito dahil ang FamilySearch ay gumawa ng ibat ibang uri na mga pagbabago sa ibat ibang oras para sa ibat ibang mga dahilan. Sa teknikal na paraan, ang bawat uri ng pagbabago ng FamilySearch ay maaaring kakaibang taga-ambag. Ganunpaman, ang lahat ng mga pagbabagong ginawa ng FamilySearch ay mayroong parehong pangalan ng kontak.

Ang tala ng taong patay ay nagbago sa buhay.

Kung ang listahan ng Pinakahuling Mga Pagbabago ay nagpapakita sa mga taga-ambag maliban sa iyo at FamilySearch, humanap ng lagay na nagpapakita sa tao bilang namatay. Ang ibang mga pagbabago ng taga-ambag ay ginawa bago ang tala ay binago sa buhay.

Ang mga kaugnayan sa mga taong patay ay nagbago

Ang listahan ng Pinakahuling Mga Pagbabago ay maaaring nagpapakita na binago ng ibang tagagamit ang kaugnayan ng asawa o kaugnayan ng magulang-anak na kasali ang buhay na tao. Narito kung paano ito nangyayari:

  1. Ang buhay na tao ay mayroong patay na tatay, nanay, asawa, kasama, o anak.
  2. Ang ibang tagagamit ay pinagsama ang mga kopya ng patay na tatay, nanay, asawa, kasama, o anak.
  3. Ang pagsasama ay naging sanhi ng isang pagbabago sa kaugnayan ng magulang-anak o asawa.

Ang taong nagsama sa mga kopya ay hindi alam na ang pagsasama ay magbabago sa buhay na tao na ikaw lang ang makakakita. Pinigilan ng Family Tree ang pinagsamang ito sa pagsira ng iyong angkan at itinala ang pagbabago para maunawaan mo ang nangyari.

Magkakaugnay na mga Lathalain

Bakit ang FamilySearch ay isang taga-ambag sa Family Tree?
Paano ko makikita kung anong mga pagbabago ang ginawa tungkol sa isang tao sa FamilyTree?
Paano pinoprotektahan ng FamilyTree ang kasarinlan ng mga buhay na tao?

Nakatulong ba ito?