Paano ako maglalagay ng mga salansan na pandinig?

Share

Ang mga pag-tala na pandinig ay ilan sa mga pinakamahalagang memorya na maaari mong taglayin. Ang pag-tala ng boses ng kamaganak ay napakahalaga. Ilagay ito sa FamilySearch upang maibahagi mo sa ibang mga kamaganak at sa ganun palagi kang may kopya.

Maaari kang maglagay ng pandinig sa FamilySearch sa paggamit ng FamilySearch.org website, Family Tree mobile app, o Mga Memorya na mobile app.

Sinusuportahan ng FamilySearch ang mga uri ng salansan na ito:

  • .m4a (Mangyaring itala na ang Firefox ay hindi maaaring gumamit ng m4a na mga files on Mac, iOS, o Android na mga kagamitan.)
  • .mp3
  • .wav

Ang pinakamalaking salansan na pandinig ay 15 MB.
Pagkatapos mong ipunin ang isang pagtatala, makikita mo ang isang mensaheng "Bigo ang proseso. Tanggalin at muling ilagay, o kontakin ang suporta". Sa ilang tiyak na pagkakataon, mali ang mensaheng ito at maari mong tugtugin ang salansan na pandinig. Kung ganoon, isa-alang-alang ang pagkontak sa suporta upang matanggal ang mensahe. Hindi mo kailangang tanggalin ang memorya.  

Mga Hakbang (website)

Maaari kang magdagdag ng mga salansan na pandinig mula sa alinman sa mga Memorya o Puno.

Galeriya ng Mga Memorya
Mula sa Galeriya, maaari kang magdagdag ng isang salansan na pandinig mula sa iyong kompyuter.

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa bandang tuktok ng pahina, pindutin ang Mga Memorya.
  3. Sa bagsak-baba, pindutin ang Galeriya.
  4. Pindutin ang tandang magdagdag (+) sa isang bilog.
  5. Hilahin at ibagsak ang nilalaman mula sa iyong kompyuter sa tabing, o pindutin ang Pumili ng Mga Salansan.
  6. Markahan ang salansan sa taong nasa Family Tree.

Pahina ng Family Tree
Mula sa balangkas ng isang tao sa Family Tree, maaari mong itala ang memorya tungkol sa tao.

  1. Lumagda sa FamilySearch.
  2. Sa malapit na tuktok ng pahina, pindutin ang Family Tree.
  3. Sa bagsak-baba, pindutin ang Puno.
  4. Mag-layag sa balangkas ng tao sa Family Tree.
  5. Pindutin ang markang Mga Memorya.
  6. Sa kaliwang itaas, pindutin ang Magdagdag ng mga Memorya at pagkatapos ang Pandinig.
  7. Maglagay ng isang pamagat para sa memorya at pindutin ang markang mikropono. Maaari kang makakita ng isang mensaheng humihingi sa iyong payagan ang FamilySearch na gamitin ang iyong mikropono; pindutin ang Payagan.
  8. Pagkatapos mong itala ang memorya, pindutin ang Tapos.

Kung ginamit mo ang walang suportang browser o ang salansan mo ay lagpas sa sukat ng hangganan, isang pulang mensahe ay lumalabas upang bigyan ka ng babala.

Mga Hakbang ng Mga Memorya na mobile app

  1. Sa Mga Memorya na mobile app, pindutin ang +.
  2. Pindutin ang Talang Pandinig (Android) o Magdagdag ng Pandinig (iOS).
  3. (iOS lang), pindutin ang Talang Pandinig o Aking Mga Salansan.
  4. Magpatuloy sa nararapat na takda sa pagtuturo.

Itala ang Pandinig

  1. Maaari kang makakita ng isang mensaheng humihiling sa iyo na payagan ang Mga Memorya na itala ang pandinig. Pindutin ang isang nasa mga pagpipilian na ito:
    1. Habang ginagamit ang app.
    2. Sa pagkakataong ito lamang.
    3. Huwag payagan.
  2. Pindutin ang isang katanungan. Kung hindi mo makita ang isang katanungan na gusto mong sagutin, pindutin ang Simulan ang Pagtatala.
  3. Pindutin ang Magsimula.
  4. Itala ang memorya.
  5. Pindutin ang Tapos.
  6. Maglagay ng pamagat at pindutin ang OK.
  7. Markahan ang salansan sa taong nasa Family Tree.

Ang Aking Mga Salansan (magagamit lang sa iOS)

Gamitin ang isang nasa mga pagpipilian na ito upang mahanap ang salansan:

  • Pindutin ang ipinapakita na pook.
  • Gamitin ang kahon ng Pagsasaliksik at maghanap para sa salansan.

Mga Hakbang ng Family Tree mobile app

  1. Buksan ang detalyeng pahina ng tao.
  2. Pindutin ang Mga Memorya.
  3. Pindutin ang magdagdag na simbolo (+) sa bilog.
  4. Pindutin ang Magdagdag ng Pandinig (iOS) o Itala ang Pandinig (Android).
  5. iOS lang: pindutin ang Itala ang Pandinig o Aking Mga Salansan
  6. Magpatuloy sa nararapat na takda sa pagtuturo.

Itala ang Pandinig

  1. Maaari kang makakita ng isang mensahe na humihiling sa iyo na payagan ang Mga Memorya na itala ang pandinig. Pindutin ang isang nasa mga pagpipilian na ito:
    1. Habang ginagamit ang app.
    2. Sa pagkakataong ito lamang.
    3. Huwag payagan.
  2. Pindutin ang isang katanungan. Kung hindi mo makita ang isang katanungan na gusto mong sagutin, pindutin ang Simulan ang Pagtatala.
  3. Pindutin ang Magsimula.
  4. Itala ang kasagutan.
  5. Pindutin ang Tapos.
  6. Maglagay ng isang pamagat at pindutin ang OK.

Ang Aking Mga Salansan (magagamit lang sa iOS)

Gamitin ang isang nasa mga pagpipilian na ito upang mahanap ang salansan:

  • Pindutin ang ipinapakita na pook.
  • Gamitin ang kahon sa Pagsasaliksik upang saliksikin ang salansan.

Mga Hakbang (Family Tree Lite)

Hindi sinusuportahan ng Family Tree Lite ang paglalagay ng mga memorya.

Mga tulong sa Pag-ayos ng mp3

Kung inilagay mo ang salansan na .mp3 at nakikita ang mensahe na “Nabigo ang paglagay”, gamitin ang ugnay na ito: http://audio.online-convert.com/convert-to-mp3. Pinapalitan ng pook ang mga salansan sa mas mataas na kbps. Maaari mong hatiin ang isang salansan pandinig sa maraming mga salansan at hindi mabago nang kahit kaunti ang uri. Sa Mga Kaayusan na Pagpipilian, pindutin ang Gawin na makinis ang Pandinig.Ang

nabigong mga salansan ay mas mababa kaysa sa 76 kbps, kaya ang pagpalit sa mga ito sa 128 kbps o mas mataas ay karaniwang nalulutas ang problema.

Ibang pag-ayos

  • Kung gumagamit ka ng isang hindi suportado na browser, nakikita mo ang isang pulang guhit sa buton na tugtugin. Kapag na-klik mo ang tugtugin na buton na may pulang guhit dito, isang kamalian ay lumilitaw: “Hindi suportado na Uri ng Salansan.”
  • Ang Firefox ay hindi maaaring pa-tugtugin ang mga salansan na m4a sa Mac, iOS, o sa mga Android na plataporma.

Iulat ang Abuso sa Pandinig

Maaari mong Iulat ang Abuso para sa hindi naaangkop na nilalaman ng pandinig.

  1. Pindutin ang isang salansan na pandinig.
  2. Sa kanang itaas ng website o sa mga mobile app ng Apple iOS, pindutin ang markang 3 tuldok. Sa mga Android mobile app, hanapin ang Mag-ulat ng Abuso sa bahaging kanan sa ibaba.
  3. Pindutin ang Mag-ulat ng Abuso.
  4. Pumili ng isang kategorya para sa pag-abuso, ipaliwanag ang iyong alalahanin, at pindutin ang OK.

Ang FamilySearch ay inilalagay ang bandila sa pandinig para sa karagdagang pagrepaso.

Magkakaugnay na mga lathalain

Paano ko itatala ang isang kuwento tungkol sa isang larawan o kasulatan?
Paano ko lalagyan ng marka ang tao sa mga kuwento at mga salansan na pandinig?
Ang aking salansan na pandinig ay hindi na-ilagay

Nakatulong ba ito?